Prologue

40 0 0
                                    

Ang tulang ito ay para sayo, sana magustuhan mo.

 Mahal kita pero mahal mo rin ba ako?

Hindi ko inaasahan na magtatagpo ang ating mga mundo,

Nagsimula sa inosente kong puso na humahanga sayo,

Nabihag ako sa iyong tawang minsan ko lang marinig,

Kapag kausap ka sinta ako'y nanginginig,

Ang saya sa pakiramdam kapag kausap mo ko ay kumukurba ang mga ngiti sa iyong labi,

Dahil sa mga iyon, ako'y umasa,

Umasa na sana'y masuklian ang aking paghanga,

Ngunit baka hanggang panaginip lang pala,

Ilang beses ko nang tinanong sayo kung gusto mo ba ako?

Pero ang tanging na isasagot mo lang sa akin ay ewan ko,

Bakit? Hindi mo ba ako masagot ng diretso?

Dahil ayaw mong nakikitang nasasaktan ako?

Oo, masakit iyon pero hindi mo ba alam na mas masakit ang ginagawa mo?

Alam kong hindi mo kayang saktan ako,

Hindi mo intensyong saktan ako,

Pinalampas ko yon, naging mabuti tayong magkaibigan,

Tawanan doon, Tawanan kahit saan

Pero hindi ko pa rin maiwasan,

Akala ko ang paghanga ko sayo'y matatabunan,

Kapag ika'y aking kakalimutan,

Oo, minsan na kitang gustong kalimutan,

Ngunit ayaw ng puso kong nagtatanga-tangahan,

Sana naman Mahal sabihin mo na sa akin ang totoo

Sabihin mo na sa akin kung gusto mo ba ako,

Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko,

Hindi ko na magunita kung hanggang saan pa tayo,

Pero oo, minsan mo na ring sinabi na gusto mo ko,

Pero mas lalo mo lang pina-kumplikado,

Mas lalo KO lang pina-kumplikado,

Hindi na lang sabihin sa iyo na minamahal na kita sinta ko,

Oo, mahal na kita

Hindi mo ba nadarama?

Ang saya ko sa tuwing masaya ka,

Ang lungkot ko sa tuwing malungkot ka,

Lahat ng nararamdaman mo ako'y apektado,

Kasi nga mahal na kita,

Gusto ko lang tanungin sayo ang mga katagang ito,

Mahal kita pero mahal mo rin ba ako?







HerStoryWhere stories live. Discover now