♔2♔

23 0 0
                                    

-The Mysterious Girl at the Window


NASA LOOB na siya sa kanyang bagong classroom ng masalubong niya ang mga bagong kaklase niya na nagbabatohan ng mga papel, habang ang iba naman ay maingay na nagkwekwentuhan.

Kasabay niya sa pagpasok ay ang kanilang guro. Mabilis na nagsig-upuan ang mga kaklase niya nang dumating ang kanilang guro. Bahagya pa nitong itinapik sa blackboard ang dala nitong stick.

"Okay class, makinig kayong mabuti."

Sinenyasan siya ng guro na lumapit sa tapat nito. Kinakabahan naman siyang lumapit rito. Hindi naman siya takot sa bagong guro niya, kinakabahan lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang mga iniisip ng mga kaklse niya. Ramdam niya ang mga titig nang mga ito. Mariin siyang napalunok ng laway saka pinakinggan ang guro.

"Okay children, may bago kayong mag-aaral galing siya sa cebu. I am hoping you will treat him as part of your friends. Sige, na magpakilala ka na."

"Um, h-hi...ako nga po pala si Glenn Dale Collins, I am eight years old I live in---" natigil siya sa pagsasalita ng tumayo ang isang bata na medyo mataba.

"Hay naku, maupo ka na lang tingin ko aabot pa yata sa langit 'yang sasabihin mo eh." Kantyaw nito at nagtawanan naman ang mga kaklase niya.

"Junjon! Tumahimik ka diyan, hindi pa tapos magpakilala si Glenn. Sit down properly, kung hindi--" pinalo nito ang dalang stick sa blackboard dahilan na tumahimik ang kanyang mga kaklase.

"Y-Yes Ma'am."

"Good, sige na Glenn ipagpatuloy muna."

Ngumiti siya ng matipid pero hindi na siya nagdagdag sa sinabi niya at sa halip ay iginiya na lamang niya ang tingin sa buong silid. Hinanap ng kanyang mata ang isang partikular na batang babae na nakita niya kahapon. Pero bigo siya dahil wala pala ito sa loob ng classroom.

Hindi ko ba siya kaklase?

Kung ganoon, anong section siya? Ay, teka magka-edad ba kami?

Nasa ganoong pag-iisip siya nang marinig niya ang bahagyang pagtapik ng stick sa balikat niya. Mahina lang 'yon pero nagulat pa rin siya sa ginawa ng guro niya dahilan na napatalon siya sa gulat.

"Ay, sorry Ma'am!"

"Glenn, wala ka na bang sasabihin?"

"W-wla na po Ma'am." Sagot niya na nakatingin pa rin sa dalang stick ng guro nila.

"Sige, makakaupo ka na." Idinismiss na siya ng guro kaya naghanap na siya ng mauupuan. At habang naglalakad siya papunta sa mga kaklase niya ay narinig niya ang mga iilan na bungisngis nila. Lalo na ang batang lalaki na umagaw sa atensyon niya kanina.

"Kita mo 'yon Jack, si totoy Glenn takot din sa stick ni Ma'am,"

"Oo, Junjon kitang-kita ko. Para siyang butiki kung magulat, hahaha..."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin at nilagpasan niya ang dalawa. Napadako ang tingin niya sa may bintana, may bakanteng upuan roon kaya pinili niyang 'dun na lang siya sa pwesto na umupo.

Nakangiti si Glenn nang sa wakas ay nakaupo na siya sa bagong desk niya. Nilingon niya ang batang katapat niya at lihim siyang kumaway rito.

"Hi, I'm Glenn Dale Co--"

"Collins, iyon ang sabi mo kanina." Walang gana nitong sagot at bumalik lamang ito sa pagsusulat sa notebook. May kinokopya kasi sila ng aralin.

"Ah, ganoon ba," ngumiti siya ng matipid at kinuha niya rin ang notebook niya na nasa loob ng bag.

Zandrah the Witch GirlWhere stories live. Discover now