Chapter 39: Insecurity

72.6K 1.2K 174
                                    

Chapter 39: Insecurity

Rina's P.O.V

          "Stop and come back here, Rina!" madiing sabi nya.

          Pero hindi ako huminto. Why should I stop anyway? Bakit? Wala na ba akong karapatang magwalk out na lang ng hindi nagpapaalam sa kanya? Na kailangan lahat ng gagawin ko aprobado muna nya bago ako kumilos? Na kailangan sya na lang ang masusunod?!

          I had enough of his possessiveness and nonsense!

          May utak din naman ako at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin! Hindi ko pwedeng hayaan ang magaling na JD Villafuerte na iyan na kumontrol sa buhay ko!

          And what he and Xander done doon sa may gym is intolerable!

          At kaya nya ako hinahabol ngayon papasok dito sa bahay ay dahil nagalit sya na sinampal ko sya sa harapan ng ex-boyfriend ko na si Xander.

          Eh anong gusto nya? Na si Xander lang sasampalin ko kahit parehas silang nagsimula ng gulo doon sa gym huh?!

          Dapat nga sasampalin ko silang lahat na nandoon eh! Lahat kasi sila pinainit ulo ko—except Third. Kaya lang dahil sa masakit na yung palad ko sa pagsampal sa kanilang dalawa ni Xander, hindi ko na itinuloy. Masyado silang madami para sa dalawang palad ko.

          "When I say stop..." sabi ni JD sabay biglang hinablot yung isang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon para pahintuin ako sa paglalakad. "Stop."

          "Pwede ba?!" inis ko syang hinarap saka marahas na binawi yung kamay ko sa hawak nya. "Bitawan mo nga ako, JD!"

          Nabitawan nya ako at nakita ko na sandali syang natigilan sa kinilos ko pero sandali lang iyon.

          "So you're acting bitchy now huh?" he said then he smirks and fold his arms in front of his chest. "Are you being confident now because he's here?"

          "Huh?!" hindi ko sya maintindihan.

          Saan ba papunta ang usapan na 'to?!

          "You dare to talk to me like this because you're confident that someone will help you out later on, am I correct?"

          Sandali akong napatingin sa mukha nya. Trying to read his thoughts and what's going on in his mind.

          But same as before, I can't read him kaya inikutan ko na lang sya ng mata doon sa mga sinasabi nya.

          "Alam mo walang patutunguhan ang usapan na 'to..." pagod na sabi ko saka sya tinalikuran. "Kausapin mo na lang ako kapag nagtatagalog ka na ulit."

          Isa pa 'to sa kinakataka ko. Kung bakit hindi na nagtatagalog masyado si JD. Well, naiintindihan ko noong nasa Italy kami. Ibang bansa iyon eh! Pero ngayong nasa Pilipinas na ulit kami nag-e-English pa din sya?!

          Not because it matters to me on what language he use or not. Sinabi ko lang naman iyon to end our conversation.

          JD will never speak Tagalog unless he's serious or angry. At sigurado akong makakatakas ako ngayon sa kanya dahil hindi sya magtatagalog.

          Hindi pa man ako nakakahakbang palayo sa kanya ay bigla na naman nyang hinila yung kamay ko at pwersahan akong pinaharap sa direksyon nya.

          "Ngayon nagsasalita na ako sa Tagalog, siguro naman hindi mo na ulit ako tatalikuran at babastusin ng ganoon di ba?!" madiin na sabi nya sabay din ng pagdiin ng hawak nya sa braso ko.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Where stories live. Discover now