Prologue #1:

12.6K 481 38
                                    

Ibang mundo ang kinagisnan,
Dahil sinagip mula sa kadiliman.
Nawalay sa totoong tirahan,
Dahil sa masalimuot na nakaraan.

Ilang taon ang lumipas,
Pero hindi pa rin nahanap.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana,
Dahil hindi nagbago ang kanyang kapalaran.

Nagpunta sa tunay na pinagmulan,
Upang protektahan ang nasasakupan.
Maraming pagsubok ang dumating,
Ngunit hindi nagpatalo sa bugso ng damdamin.

Hinarap sa katotohanan,
Upang bumalik sa katauhan.
Hanggang sa mundong kinabibilangan,
Malamig ang pakikitungo.

Magugulat sa kanyang pananalita,
Dahil hindi nila ito inaasahan.
Ang dating malungkot na mukha,
Ay muling nagbalik sa kasiyahan dahil sakanya.

Kung siya ang kinalaban mo,
Ay wala siyang sinasanto.
Brutal kung brutal,
Ganyan siya makipaglaban.


Maraming namangha,
Sa taglay na kagandahan.
Maraming umiidolo,
Sa lakas ng kapangyarihan.

Pasalamat ka na lang,
Kung inabutan ka pang buhay,
Dahil sa isang pitik niya lamang,
Magpaalam ka na sa mundong ginagalawan.

--------------------
A/N:Ok po ba? Please support this story...Dont forget to
Vote
Comment
Share
Thankie...Love Lots.

Celestial Academy: The Long Lost Princess of Mystique KingdomWhere stories live. Discover now