Wishing on an Airplane

104 1 0
                                    

Wishing on an Airplane

"Yes! Malapit nang maging one hundred yung airplanes ko sa bulsa," sabi ko kay Juliette.

Nandito kasi kami ngayon sa court malapit sa school namin para mangolekta ng mga airplanes na dumadaan. Kasi sabi nila, kapag nakaroon ka raw ng one hundred airplanes sa bulsa mo, matutupad daw yung wish mo. Pero, through imagination lang yung paglalagay ng airplanes. Good luck na lang sa iyo kung mapagkasya mo yung isang daang dambuhalang mga eroplano sa bulsa mo.

"Ano ba kasi hiling mo at napagtitiyagaan mong tumambay dito?" naguguluhan niyang tanong.

Tiningnan ko yung dorm ng mga teachers na malapit sa court, hoping na makita ko siya, pero bigo ako. Doon kasi nakatira yung taong gusto ko at pinapangarap ko. "Secret ko na yun. Bawal sabihin."

"Asus, kung alam ko lang. Parang hindi mo naman ako bestfriend MJ." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Sabagay. Siya ang pinaka-nakakakilala sa akin. Magkasama ba naman kami mula grade three hanggang ngayong second year high school na kami.

Lumipas ang ilang araw at dumating Teacher's Day naming. Naghahangos na lumapit sa akin ang isang haggard na Juliette pagkapasok ko ng classroom.

"MJ bakit ka absent kahapon?! Magtuturo ka pa naman sana." Bungad niya sa akin.

"Narinig ko nga pero sumakit kasi yung katawan ko dahil sa training namin sa Volleyball. Pasensya ka na."

"Okay lang. O siya, MJ, magtuturo lang ako. Ikaw na bahala dito. Bantayan mo yang mga classmate nating asungot. Baka hindi na makalabas yung ng buhay yung mga peer teachers," sabi niya habang tinitingnan yung mga kaklase naming nang masama

Tumango ako at pumunta na sa upuan ko sa harapan para ilagay yung mga gamit ko. Pagkatapos niyon ay umupo ako sa may likuran. Puro schoolmate lang naman namin yung magtuturo sa amin kaya pwede kaming lumipat ng upuan.

Ilang minuto ang lumipas, pumasok yung una naming peer teacher at hindi ako makapaniwala kung sino iyon, yung crush ko! Si Kuya JM! Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Umupo siya sa harapan at inaasar naman siya ng mga kaklase kong lalaki kasi may issue na bakla daw siya pero hindi ako naniniwala. Insecure lang sila. Sinaway ko yung mga classmates ko pero lalo lang sila nang-asar at dinamay pa ako. Alam din kasi nila na crush ko siya.

"JM! Isang tingin nga dito sa likod!"

"JM si MJ nga pala."

"Uyy bagay l! JM, MJ"

At kung anu-ano pang pang-aasar ang natanggap ko galing sa kanila. Mga lalaki pa iyan. Sinaway ko sila nang sinaway pero ayaw makinig. Dinaig pa nila yung mga kaklase kong babae na tinitingnan lang ako nang nakakaloko.

"Uyy. Namumula si MJ!" asar pa ng mga kaklase ko kaya tinakpan ko agad ng libro ang mukha ko. Mukha na siguro akong kamatis nito.

"Tumigil nga kayo. Suntukin ko kayo isa-isa." Sigaw ko sa kanila.

Nakakahiya talaga. Bakit ba kasi napakadaldal ko na ultimo crush ko ay ipinapaalam ko sa mga classmate ko. Wala kasi si Juliette dito na magtatanggol sa akin o mang-aasar din. Sumilip ako ng kaunti para hanapin kung nasaan si Kuya JM at para malaman kung anong ginagawa niya. Nang makita ko siya, nainis ako bigla. Bakit ba ganito? Ako lang ata ang hindi niya kinakausap kasi halos lahat ng kaklase kong babae, nakakausap niya pati nga si Juliette. Seriously, ganoon ba ako kapangit?

Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan at mababakas mo sa kanyang mukha na masaya siya sa mga kausap niya. Tumunog na yung bell at umalis na siya. Grabe. Ang sarap magwala at magpadala sa mental.

Wishing on An AirplaneWhere stories live. Discover now