Sa Likod ng Bawat Ngiti ay Matinding Kalungkutan 5

357 8 4
                                    

I went straight home after nung lunch namin ni JC. I was so tired na nahiga agad ako sa kama. Sobrang dami talaga ng nangyari today. Pero thanks to him kasi nagawa niya ulit ako pasayahin.

I reached for my CP nang sumabit yung panyo ni JC. Nakalimutan ko pala isauli. My Gosh, this is the second hanky na galing sa kanya. Pero natuwa pa rin ako kasi white pa rin yung color nung panyo niya.

Ano nga kaya ang gagawin niya tom? Sabi niya mag-prepare daw ako, maging ready saan? Na-eexcite ako sa gagawin niya tom I’m sure magiging kagaya to nung first challenge niya.

A good night sleep. Umaga na pero gusto ko pa din matulog. Siguro kasi kagabi magaan ang loob ko before ako nag-gala sa neverland. Umiilaw si CP. May text galing kay JC.

Siya: Good Morning :DD Ahm tanong ko lang po kung dapat po ba within ten days matanggap na ako ng daddy mo bilang Bodyguard?

Mukhang namomroblema si JC. Ano kaya ang pinaghahandaan ng mokong?

Ako: Opo, y? Any prob? :DDD

Siya: Wala, hindi muna  kita mami-meet today ha.  May aasikasuhin kasi ako. Baka magkita pa tayo after three days, okay lang ba yun?

Three days? What the heck ang gagawin niya? Hindi ba dapat mag-pasa lang siya ng resumé? Bakit ganito nafu-frustate ako?

Ako: K.

Siya: Aus lang po ba talaga? L

Ako: I mean go ahead, basta you only have ten days.

I spent most of my day wondering kung ano kaya ang binabalak ni JC. Bakit ganito parang dapat nga ata ako maging prepared? Pero prepared for what?

After three boring days dahil hindi ko siya nakita….

Nagtext si JC.

 Finally at nagparamdam ang mokong.

Siya: Ready?

Ako: For what? :D

Siya: Nasa SUB ako. Punta ka lang dito pag vacant mo na. :DD

SUB? Teka di’ba ang challenge niya eh ang mag-apply bilang body guard ko? Hmmm…

Ako: Cge po :D See ya!

I parked my car, got my keys and went out nang biglang nagbukas ang pinto ang black na van sa tabi ng car ko. May mga guys na naka-bonet ang humatak sa kamay ko papasok. Nanlaban ako at pinaghahampas ko sila ng shoulder bag. Pero may nilagay silang panyo sa may nose ko then  bigla akong nawalan ng malay.

Nagising ako pero wala akong Makita. Hindi ako makagalaw then bigla kong na-realized na…

.

.

.

.

OMG kinidnap ako!!!!

I tried my hardest to free myself pero mahigpit yung pagkakatali nila sa akin. I started crying.

I cursed them, pinagmumura ko sila. Kung sino man silang kumid-nap sa akin. Bigla akong natigilan… paano na si JC. He must be waiting for me. Alam ko ang feeling ng naghihintay sa wala. Sobrang sakit. Ayoko siyang masaktan.

May biglang nagsalita. Hindi siya pamilyar pero malalim.

Kidnapper 1: Gising ka na pala. Gising na ang prinsesa ng Fortuna Realty Dynasty.

Ako: !#@$% Nio!!!! Pakawalan niyo ko or else—

Kidnapper 1: Or else ano? Sisigaw ka ng tulong? Wahahaha wala nang makakatulong sa’yo. Unless magbigay ang Daddy mo ng 10 million kapalit mo.

Panyo :D [completed]Where stories live. Discover now