Kaya Pa

9 0 0
                                    

Kaya Pa!
collab w/ Redd Mendoza

Mahal na mahal ko sya
Pero di pa sya handa
Tila ba sya'y nalilito at naguguluhan
Mula sa mga labi nya sinabi ang mga salitang tila sumaksak sa akin

Susuko na lang ba agad agad ?
Madaming oras na kayang patunayan ang sa kanya'y aking hangad
Kayang gamutin ng pagmamahal ang pagkalito
Kapag kanyang puso'y nagising mo

Isang taon
Isang taon narin simula noon at naghihintay parin hanggang ngayon.
At handa akong magbilang ng isa, dalawa, tatlo o mas marami pa hanggang sa pareho na kaming nakakulong
Nakakulong sa pagmamahal ng isa't isa, ang sya ay akin lng at ako ay sa kanya
Nakakulong sa pagmamahal na tanging sa aming dalawa, yung kami lng sa aming mundo na gagawin naming dalawa
Oo inaamin ko na ako ay pagod na
Pero hindi dapat, hindi pwede, hindi ako dapat nanghihina
Kaya patuloy lng ako tatayo sa lugar ko bilang kaibigan nya
Patuloy lng akong maghihintay dahil mahal ko sya

Ngunit paano kung sa kakahintay ko'y hindi naman pala ako ang gusto
Paano kung sa paghihintay ko'y sa iba sya lumingon
Sa paghihintay ko'y mahulog sa balon
Balon kung saan hindi na makaahon
Ung tipong hindi na nya makita sa pagkahulog ko
Paano kung sa i love you ko'y ang sagot nya ay thank you ?

Nasasaktan ako
Ako man nga ay may pagkalito
Sa kung ano nga ba ang gagawin ko
Katangahan ngang maituturing siguro
Ngunit lahat ito ay para sa mahal ko

Patuloy pa din akong umaasa kahit na ang sakit sakit na
Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya
Dahil patuloy akong nahuhulog sa kanya

Ang sarap sanang isipin na pareho tayong nahulog na dalawa
Ngunit sa katotohanan na, nahulog ako sayo at ikaw ay sa iba.
Mahirap tanggapin ang katotohanan na hindi pala tayo para sa isat isa
Ngunit mas masakit na kahit alam kong pagmamay ari ka ng iba ay patuloy pa ring umaasa

Umaasa na kahit alam kong wala na
Tapos na tama na suko na
Nais kitang yakapin ngunit nakita kong kayakap ka ng iba
Ang sakit
Masakit sa mata maging sa puso
Gusto kong umiwas ngunit tila ang liit ng mundo
Hindi maiwasan sapagkat tropa tayo

Tropa ang pinakamasakit na itatawag sayo ng taong mahal mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon