Malansang Isda

30 0 0
                                    

Tatlong taon
Tatlong taon na ang lumipas ng ako'y nilisan mo
Iniwan akong lugmok sa sakit ng pagalis mo
Pero bumangon ako
Bumangon ako para muling buoin ang sarili ko
Pero muling bumalik ka
Ngunit sa pagbabalik mo'y tila iba ka na
Kakaiba ka na sa pananamit at pagsasalita
Maging ang pagbigkas mo ng sariling wika ika'y hirap na

Sampung minuto
Sampung minuto na ang nagdaan
Simula ng makipagtalo ka sa iyong kamalian
Panay wikang Ingles ang iyong binibitawan
Para magmukang tama at malaman nilang matalino ka
Kaya sariling wika'y iyong kinalimutan

Ikaw yung kinain ng sunod sa usong sistema
Kung sa gobyerno'y may buwaya
Ikaw yung tanga
Ni hindi mo nga ata kilala si Crisostomo Ibarra
Mas alam mo pa ata and kwento ni Snow White at Cinderella

Itataas ko ang aking gitnang daliri at wala akong balak ibaba ito
Magsasalita ako at ipamuka sayo ang katotohanan hanggang sa mangawit ang mga bibig ko
Dahil walang hiya ka bakit na sa Pilipinas ka pa?
Kung sariling wika'y hindi mo na kilala

Kung ang wika'y tila yaman ng lipunan na nakakaangat ng antas
Marahil sing tamis ng kendi ang bawat mong bigkas
Ang wika ay isang gantimpala na natatamo natin sating kalayaan
Ikaw, ako, tayo ay biktima ng mabangis na kasaysayan
Tapos na ang panahon ng rebulusyon
Kung merong kikilos tayo yun
Tayo naman! Kaso wala nga palang tayo.
Syet! Triple kill nanaman ako.

Ipagmalaking Pilipino ka hindi dahil nanalo si Pacquiao sa bago nyang kalaban
Ipagmalaking Pilipino ka hindi dahil nasungkit ni Pia ang korona ng pinakamagandang dilag ng kalawakan
Ipagmalaking Pilipino ka dahil supling ka ng Perlas ng Silangan
Ipagmalaking Pilipino ka dahil mahal mo ang bayan
Buti pa ang bayan minamahal eh ako kaya kailan?

Si Gat Jose Rizal nga'y minsang sinabi ang mga salitang ito
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda
Malansang isda ka!
Kung patuloy mong babalewalain ang iyong wika
Pilipino ka!
Yan ang itatak sa isipan mo
Pilipino ka!
Kalabaw ka hindi baka
Hindi mansanas kundi mangga
Tsong hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
At wag kang aasa na darating ang araw na tatangos ang ilong mo
Wag na wag kang umasa masasaktan lang ang puso
Filipino ang kinagisnang wika mo
Baka nakakalimutan mo isasampal ko sayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon