+SPKF+

51 10 5
                                    

Author's Pov

Sa Isang madilim na kalangitan na kung saan naroon ang reynang buwan.
Ay pilit kong itinatanim sa aking isipan ang katotohanang wala na siya...

Sa isang iglap..sa isang galaw ng daliri ng panahon ay tila narito ako sa isang panaginip at nakaupo sa harap ng kanyang kama nakapikit...at hindi na gigising at tatayo kahit kailan.

Maagnas..mabubulok..at tuluyan nang mawawala ang taong siyang kumarga..ang bumalot..ang naghele sa panahong noo'y wala pa akong kamuwang muwang.
                                                      
Napangiti ako ng mapait.

'Anak mahal na mahal ka ng Tatay' sambit ng aking ama habang nakatingin parin sa kabaong ng aming Lolo.

Hindi ako nagsalita ngunit agad namang tumulo ng masagana ang aking mga luha.

'Hindi niyo man naramdaman ang pagmamahal niya pero Nak Mahal na mahal kayo niyan' sabi muli ni Ama at tsaka tumingin sa akin.

Napayuko ako dahil sa patuloy na pagragasa ng aking emosyon.

......

Ang sakit na tila hindi parin ako naniniwala sa pagsampal sa akin ng katotohanan. At patuloy paring nagtatanong sa sarili na 'Totoo ba ito?' Ayoko nang magising bagkus ay nais kong bigyan siya ng isang yakap na hanggang salita ko lamang magagawa. Nais kong gumuhit at ialay ang aking Masterpiece  ngunit huli na....

Wala na ang taong nag aruga sa akin. Ang nagmulat sa mundo kasama ng aking Ama at ni Ina.       

Wala na si Lolo..

"Ate alam mo bang umiyak ako ng malakas nung patay na si Tatay? Ang lakas kaya ng iyak ko nun." Pagmamalaki ng batang babae kong pinsan.

Napangiti na lang ako sa kanya ng mapakla.

Narinig ko ang pagbitiw niya ng isang malalim na buntong hininga.

"Pero Ate hindi talaga ako makapaniwala na wala na siya....parang kahapon lang eh..'"wika niya.

"Oo nga" wala sa sarili kong pagkakasabi.
Kay bilis ng panahon..

.Maraming bagay ang hindi mo inaasahan na sa isang pitik ng daliri ng kapalaran ay mag iiba na ang ikot ng bawat mundo.

" Itigil  mo yang pagcecellphone mo!Ipupukpok ko sayo yan kung hindi mo pa itigil!" Pagbabanta ng aking ama.
.
Umiling na lang
ako tsaka tinanggap ang sopas na inaalok sa akin ng aking tito.

Sa bawat paghigop ng sabaw at pagtikim ng repolyo,Carrots,Sausage at Noodles ay nainitan ang aking katawan habang patuloy paring bumabagsak ang malalaking patak ng bawat tubig sa lupa.

Bumuntong hininga ako.
Parang pinagsakloban ng langit at lupa ang lahat sa isang iglap lang ni kamatayan.

Hindi pa ako handa sa lahat....hindi pa ako handa sa maaring mangyari pa sa aming pamilya...

Napatingin ako kay Nanay na ngayoy nakangiti at nakikipagkwentuhan sa mga bisita.             

Kitang kita ko sa mga mata nito ang lungkot at sakit na mawalan ng mahal sa buhay...ang mawalan ng taong  datiy nagpatibok ng kanyang puso..

Alam kong napakasakit ng lahat.Pero hanga ako sa pagiging matatag ni Nanay.Hanga ako na hindi siya naging mahina. Na maging malakas at harapin ang lahat...

Harapin ang buhay ng isang biyuda.

Tay..alam kong nakikita mo kami ngayon.Sana masaya ka diyan..sana huwag mo kaming kalilimutan.

Buong pamilya na minsan naging makulay at masaya ang mga kwentot alaala.

Ngayoy hinaharap ang bangungot at pilit na iginigising ang aming sarili na panaginip lang lahat.

Na isa lamang parte ng buhay na magdadaan sa inyo tungo sa walang hanggan.

Doon...doon ako naniniwalang may FOREVER.

Doon ako umasang sana hindi mabaon sa limot at tabunan ng mga lupa ang lahat.Na patuloy itong lamunin ng mga uod hanggang sa maagnas ito bilang isang mapait na alaala.                                 

Itinanim ko sa aking isip na ito narin ang tulay..tulay na magdadala sa inyo sa mundong ninanais at pinapangarap ng lahat.

Sa mundong malayo sa sakit at paghihirap kundi kapayapaang Huhubog sa inyo upang maging isang banal at makadiyos  na tao.
  
"Kuya feeling may abs pero wala naman..puro libag kaya tiyan mo!"
Napalingon ako sa pinsan kong kanina pa nagbabangayan.

"E ito?" Itinaas ng batang lalaki kong pinsan ang damit niya na ikinangiwi ng isa ko pang batang babaeng pinsan.

"Yak!Puro buto!" Sigaw niya dahilan para kamiy magtawanan.

Kung si Tatay kaya nandito baka kanina pa kami hinagisan ng tsinelas nun sambit ko sa aking sarili at tsaka pasimpleng humagikgik.
                   

Napalingon muli ako sa kabaong.Hay Tatay miss kona yung madalas niyong pagdura at pagbibitaw ng mga mura.

Miss kona yung pagbabangayan Niyo ni Nanay.Miss ko ang lahat lahat sa inyo.at miss na.miss ka na naming lahat...     

"Piling matangos pero pango naman!"

"Wow!nagsalita ang hindi pango!"

"Tama na yan!pareho lang kayong pango.Andito si Tatay oh! Mahiya nga kayo!" Pagpipigil ng lalaki kong pinsan.
   

Lihim akong napangiti.Namimiss niyo rin kaya kami Tay? Sana masaya kana diyan..Kasama ni Papa God habang pinapanood kami dito.Ano na kayang ginagawa niyo diyan?

Baka naninigarilyo uli kayo diyan yung walang Tabacco or Nicotine.O kaya umiinom kayo diyan ng Most Imported na Alak sa Langit.

.Muli akong napailing.Sana nandito po kayo sa tabi namin..binabantayan si Nanay.

Maraming nagbago sa pamilya namin may nagkagalit..may nag kasundo at doon din namin nakita kung gaano kayo kahalaga sa amin.

Kasi kahit may nagawa kayong mali sa nakaraan...Kay Papa at sa mga mahal ko-- kayo ay naging mabuting amang nagpalaki kina Papa at nagbigay aral sa kanila na maging isang matiyaga at mabuting tao.

Hindi kami magsasawang paglingkuran kayo kasi nang dahil sa inyo walang papa ang mag aaruga at magpapalaki sa akin.

Nang dahil sa inyo walang Christel Racar na kilala ng lahat.

Kayo na nagmulat sa akin--Kayo na inalagaan kami ng kapatid ko at inalay ang inyong sarili sa bawat gabi naming  pagiyak...Mahal na mahal ko po kayo.

Hindi niyo man nararamdaman at maging ako...ay proud ako na may lolo na katulad niyo.

Ibang Klase....yan ang aking masasabi strikto,madaling magalit ngunit naging isang amang nagpalaki ng pamilyang ito.

Hinding hindi ko kayo makakalimutan dahil ibabaon ko kayo----sa puso ko at buong pagkatao ko.

Ang lolo ko,Tatay ko o mas kilala bilang Francisco ng lahat.      

Para sa po sa inyo ito....na buong puso kong ihahandog at ipapabasa sa mga babasa

Sulat na aking ginawa...sulat na aking iaalay sa taong ngayoy nasa kabilang buhay.

Sulat para kay Francisco

Rest in Peace Tatay  

From me and my Family.

       End

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jul 20, 2018 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Sulat para kay Francisco Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu