Chapter 17

3.8K 86 1
                                    


Naghabulan sila sa munting sala at lahat ng bagay na naabot ni Khim ay binabato niya.

Mabilis ang mga kilos ni Shawn at nawala ito sa kanyang paningin.Nanginginig si Khim sa mga sandaling iyon.Pilit niyang inaaninag ang kinaroroonan ng telepono at nanginginig na edi nial ang numero ng bahay nina Cyrus.

Itinaas na niya ang awditibo at hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.Subalit may humila sa kanyang buhok at ang pagbaon ng patalim sa kanyang likod at tumilapon siya sa sahig.Napakislot siya dahil sa sugat na tinamo niya sa kanyang likod.

Dahan dahan na gumapang si Khim patungo sa kusina.

"I'm coming..Sige pa..gumapang kapa.."wika ni Shawn at tumawa pa ito na nag echo sa buong kabahayan.

Umiiyak si Khim habang iniinda ang kanyang sugat.Bumangon siya at nagkubli sa ilalim ng mesa.Habol niya ang kanyang hininga at pinakiramdaman ang paligid.

" Yoooohooooo..Khim..nandito na ako..nasaan kana.."Sabi ni Shawn at parang kinikiskis pa sa bakal ang hawak nitong patalim kaya lumikha ito ng ingay.Impit na umiyak si Khim at tinakpan ang kanyang bibig upang hindi siya makalikha ng anumang ingay.

Biglang tumahimik ang paligid at nanatili siyang nakikiramdam.

Madilim ang kinaroroonan niya .Marahan siyang gumapang kasabay ang pag iingat niya upang hindi makasaling ng anumang bagay.Gumapang siya patungo sa pinto ng kanilang bahay ngunit may biglang humila sa kanyang paa.Napasigaw siya sa gulat at tumilapon sa isang sulok at tumama ang katawan niya sa isang matigas na bagay.
Napaliyad siya sa sobrang sakit at napansin niya ang basang likido sa kanyang tagiliran.Nasugatan siya!

"Sige pa..gumapang kapa..gapang.." Wika ni Shawn na patuloy sa pag sunod sa kanya.Nangangapa ang kanyang mga kamay at nasaling niyon ang isang base.Agad niya iyong kinuha at huminga ng malalim.
Sinabunutan ni Shawn ang kanyang buhok ngunit hinampas niya ito ng base na hawak niya kaya napasigaw ito at natumba.

Bumangon si Khim at tinahak ang pintuan ng bahay at nagmamadaling lumabas.

"Hindi ka makakatakas sa akin!Papatayin kita gaya ng nangyari sa parents mo!Kahit saan kapa tumakbo at magtago mahahanap parin kita!"

Sigaw ni Shawn.

Nakalabas na ng bahay si Khim at nagtatakbo sa madilim at napakatahimik na kalsa.Sinagupa din niya ang malakas na ulan.

"Sige takbo!" Dinig parin niya ang boses ni Shawn na humahabol sa kanya.
Sinuong niya ang kagubatan habang patuloy lamang sa pagtakbo.ilang beses siyang nadapa at nangudngod sa putik subalit pilit siyang bumangon upang makalayo.

Madilim ang daan at hindi na niya ininda ang sakit ng kanyang mga paa kahit ang panginginig sa sobrang lamig.

Maririnig lamang ang lakas ng tibok ng puso niya at ang humahangos niyang paghinga.Hindi rin niya alintana ang hapdi ng mga sugat niya.

Subalit wala ba siyang matatakbuhan pa,bangin na ang kanyang kinaroroonan at wala ng ibang paraan upang makatawid sa kabilang dako.

Napaiyak na lamang siya habang tiningnan si Shawn na nandun na at nakangisi.

"I told you..hindi mo ako matatakasan.So far maganda ang napili mong lugar kung saan ka mamamatay." Mapanuya nitong sabi.

"Shawn please..I'm so sorry."Ang kanyang pakiusap.

"Ow ..you're begging now?Hindi ba hindi ka marunong mag makaawa?!Let me guess ayaw mo pang mamatay.".

" I'm sorry..nagawa ko lamang iyon dahil nagseselos ako.Mahal na mahal ko si Kenzo at hindi ko matanggap na ikaw ang gusto niya."

"Pero hindi parin sapat iyon upang ipapatay mo ako!Pinagkatiwalaan kita dahil akala ko totoo ka iyon pala isang kang huwad!"Galit na sigaw ni Shawn na nasa boses ang matinding galit at poot.

" Inutos ko sa kanila na gahasain kalang.Wala akong planong patayin ka."

"Ganun parin iyon! Hinayaan mo akong pagtulungan ng mga kaibigan ng pinsan mo!Nag makaawa ako sa kanila ngunit pinaglaruan lang nila ako at patuloy na binababoy!Wala silang awa!Kaya ayun pinatay ko silang lahat!"

"Pero hindi mona sana dinamay pa ang mga magulang ko!Wala silang kasalanan.."

Tumawa ng mapakla si Shawn.

"Walang kasalanan?Pinatay ng magulang mo ang mga magulang ko!Kaya ayun..its pay back time!Hindi mo alam kung paano mabuhay ng walang mga magulang..mahirap..hindi mo naranasan kung paano magpalaboy laboy sa kalsada,gutom at nagpapakalimos habang nagpapakasaya kayo sa yamang ninakaw ninyo!" Umiiyak na si Shawn sa mga sandaling iyon.
Habang si Khim ay naglulumikot ang mga mata.

"Walang dahilan upang mabuhay kayo..dahil mamamatay tao kayong pamilya!"

Wika ni Shawn habang hawak ng mahigpit ang patalim dahil sa galit.
Naging mabilis ang pag kilos ni Khim at kumuha ng putik at ibinato sa mata ni Shawn.Napasigaw ito sa sobrang sakit kaya sinamantala ni Khim ang pagkakapuwing nito at inagaw niya ang patalim na hawak nito.

Nag agawan sila at nagtagisan ang kanilang mga lakas.

Nagpagulong gulong sila sa putik.Nagpang buno at nagsabunutan.Kapwa nila nabitawan ang patalim na tumalsik dahil sa pag aagawan nilang dalawa.

Kinubabawan ni Shawn si Khim at sinampal sampal ito ng ubod lakas.Gumanti si Khim itinulak nito ng ubod lakas si Shawn kaya napatihaya ito sa putikan.
Agad nakita ni Khim ang patalim sa hindi kalayuan kaya agad siyang tumayo at pupulutin na sana niya ang patalim ng mahawakan ni Shawn ang isa niyang paa at hinila kaya bumagsak siya ng ubod lakas

"Akala mo mananalo ka sa akin?!Nakuha na ni Shawn ang patalim at itinutok sa kanya.
Dahan dahan siyang tumayo kahit sa sobrang sakit ng kanyang katawan.

" Bitiwan mo iyan!Lumaban ka ng patas!"Hinihingal niyang sabi.

"Its over!Galit na sabi nito kasabay ang pagtaga sa kanya.Hindi naiwasan ni Khim ang pag atake ni Shawn kaya nahiwa ang kanyang dibdib hanggang sa tiyan.

Marahan siyang napastras kasabay kasabay ang pagpunit ng kanyang laman at ang pagtagas ng kanyang dugo.

"Taste your own blood!" Ibang taga na naman ni Shawn na tumama sa lalamunan ni Khim.

Hindi na nakapagsalita si Khim habang tumatalsik ang dugo nito dahil sa nabutas na lalamunan.

Animoy may kumukulong dugo sa ilalim ng lalamunan nito.

Patuloy ito sa pag atras kaya tuluyan itong nahulog sa malalim na bangin.

"Game over.."

Naibulong ni Shawn at tumingala sa itim na mga ulap.Ninamnam niya ang pagtama ng bawat butil ng ulan sa kanyang mukha.






Abangan ang final chapter..

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Where stories live. Discover now