Chapter 5

12 6 4
                                    

Nakatingin ako ngayon sa gawi ng kapatid ko. Eer-I mean stepsister ko. Kasama niya lang naman ang mga nakakadiring gold diggers. Napataas ako ng kilay nang magtawanan muli sila.

"OMO D. L. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na may kapatid ka na. And infairness mabait at mas maganda siya" tinignan ko ng masama si Kizeah. Alam niya na kap-stepsister ko si AJ. At di lang siya, pati ang buong classroom and I expect maya-maya ay buong campus na.

"Anong mas maganda?! " pabulong na bulyaw ko sa kanya

"A-ah what I mean is MAS MAGANDA SIYA SA AKIN" galing talaga magpalusot

Bumalik naman ang lahat sa kani-kanilang mga upuan nang dumating na ang Science teacher namin at the same time eh adviser. Si Maam Lara.

"Goodmorning class" bati niya

"Goodmorning Maam and Mabuhay! " response naman namin

"You may take your seats. Before we start our lesson for today, I guess we have a new classmate. Please come infront and introduce yourself" tumayo naman si AJ at parang baliw na ngingiti-ngiti

"He-hello everyone, I am Aaliyah Jedee Saavedra. But you can call me AJ for short. And I am also the sister of Dau-"

"Stepsister" pagtatama at pangbitin ko sa kanya

"Because she's only ADOPTED" diniinan ko ang pagkakasabi sa word na 'adopted' para malinawan ang lahat. Lahat sila ay nakatingin sa akin kaya naman tinaasan ko sila ng kilay kaya ibinalik nila ang tingin nila kay AJ na parang ano mang oras ay iiyak na.

"P-please take care of me" mahina na sabi ni AJ pero sapat na para marinig namin. Dali-dali naman siyang bumalik sa upuan niya. Pfft. Pahiya.

"Okay class, let's start our lesson in Chemistry" napangiti naman ako sa sinabi ni Maam Lara. I love Chemistry.

"If I'm not mistaki'n. Nagkaroon na kayo ng pahapyaw sa Chemistry in your second year at kasama na dito ang Electric Configuration. Am I right? "

"Yes Maam" tugon naman namin

"Okay, so can someone please tell me the arrangement of electrons in an atom" kalmadong sabi ni Maam

Agad naman ako nagtaas ng kamay. Piece of cake lang naman iyan.

"Go ahead Ms. Saavedra number 1" napangiwi naman ako sa sinabi ni Maam. Kung di lang ito teacher eh malamang sa malamang nabatukan ko na ito. Tumayo na lang ako para masabi na ang sagot

"1s 2s 2p 3s 3p 4s 4p 5s 4d 5p 6s 4f 5d 6p 7s 5f 6d 7p" binigyan ko pa sila ng matamis na ngiti nang matapos ako at sabay nagpalakpakan ang lahat

"Silence. Masyado ka yatang na-impress sa sarili mo Ms. Saavedra 1. Actually, may error sa sagot mo" napakunot naman ang noo ko. Error?! Sa pagkakaalam ko ehbtama lang iyong mga sinabi ko

"Another volunteer please" bored na sabi ni Maam.

"Go ahead Ms. Saavedra number 2" napatingin ako sa gawi ni AJ na nakatayo na ngayon

"The correct arrangement is 1s 2s 2p 3s 3p 4s 3d 4p 5s 4d 5p 6s 4f 5d 6p 7s 5f 6d 7p" napayukom naman ako ng palad nang pumalakpak si Maam at sinundan naman ng iba pa naming kaklase

"And that is the correct arrangement. Nakalimutan ni Ms. Saavedra 1 ang kanyang 3d" sabi ni Maam Lara at hinarap na ang blackboard para magsulat.

Tumingin ako sa gawi ni AJ na kasalukuyang pinupuri ng mga kaklase namin.

'Eeehhhhhh. Ang sarap niyang sakal-sakalin. Tengene'

Natapos ang morning lessons namin at patuloy pa rin sa pagpapabida si AJ. If I know nagpapaka-peymus lang iyan. Palibhasa naiinsecure siya sa akin.

"'Lika na best. Kain na tayo. Kanina pa nag-aalburuto itong tiyan ko" pagmumutmut ni Kizeah sabay hila sa akin papuntang canteen

"Hi Queen D. L" bati sa akin ng iba naming nakakasalubong. Tinatanguan ko lamang sila.

Humanap muna kami ng bakanteng table at linapag ang aming bag saka nag-order ng pagkain.

"One chicken burger, bicol express with rice and chocolate drink please" pag-oorder ko na agad namang tinugunan ng staff ng canteen

Hinintay ko muna maka-order si Kizeah para sabay na kaming pumunta ng table namin

"Nga pala D. L. Naghahanap si Momma ng model para sa bago niyang grand gown. Gusto mo ba? " tanong sa akin ni Kizeah

"Hahahah........ " tinakpan ko muna iyong tenga ko dahil sa malakas na tawanan na nanggagaling sa kaliwa namin bago nagsalita

"Ah-amm of cou-AAAAAHHHHHHHH" halos napatingin lahat ng nasa canteen sa akin dahil sa malakas kong pagsigaw.

'Omo?!!! Ponyeta! Natapunan lang naman ang uniform ko ng bicol express, kanin at chocolate drink!!!! Arrrghhh puti pa naman!!!! '

Binaling ko ang tingin ko sa bumangga sa akin at halos umakyat lahat ng dugo ko at umusok ang ilong ko sa inis. Aaliyah Jedee Salot!

"D-D. L. Sorry. D-di ko sina-" di niya na naituloy ang sasabihin niya nang buhusan ko siya ng pitchel ng orange juice na galing sa isang table. Kinuha ko pa ang leche flan sa parehong mesa at minudmud sa mukha niya

Napasinghap naman ang lahat ng nasa canteen sa nasasaksihan nila.

"Fair enough?!!! " bulyaw ko sa kanya

"Next time kasi tumingin ka sa daanan mo at huwag puro tawa. Naiintindihan mo?! " bulyaw ko muli sa pagmumukha niya na halos di na makita dahil sa leche flan na nagkalat. She deserves it.

Dahan-dahan naman siyang tumango. Nagsimula na akong maglakad palabas pero huminto ako nang may makalimutan ako.
Lumapit ako sa table namin at kinuha ko ang bag ko at kumuha ng ilang piraso ng tissue sa mesa.

Lumapit ako kay AJ at linagay sa kukha niya ang tissue

"Clean your fucki'n face" di ko alintana ang pagsinghap at pagtingin ng mga hayop sa canteen

And so??

'Never mess with me AJ. '

Waah. Short update. Hihihi.
Iyan na muna. Isip muna ako ng plot natin.
Please feel free to display your comments and if you think this chapter is good and deserve a vote. Just click the vote icon.

Gamsahamnida. Please continue supporting. And sorry for the errors.

Mwah~

A Sister's LoveWhere stories live. Discover now