Chapter 6 : Mr. Maniac?

176 2 0
                                    

Nagising ako dahil merong kamay na humahalungkay sa buhok ko. Tila pilit na kumukuha ng mga threaded seashells at flowers sa buhok ko. Pagkabukas ko ng mata ko, nagulat ako sa nakita ko.
Hindi naman kulay blue ang pintura ng kuwarto ko. Paglingon ko sa gilid nagulat ako sa dalawang bata. Agad akong napaupo malapit sa headboard ng bed at sumisigaw.

"Nasaan ako?! Aaahh! WaAAaahh!!" sabi kong sumisigaw. Yung dalawang bata naman na naka lean sa bed, tinitingnan lang ako. Parang sila yung nakita ko sa malaking picture frame sa bar. Tika, nasaan ba ako? Wag niyong sabihin nasa kina Arthur ako?! Hell no!
Agad akong napahawak sa ulo ko kasi sumasakit ito. Mukhang epekto sa kagabi. Agad lumapit sa'kin yung kambal at pinagitnaan nila ako. They both hugged me. Nakakatouch naman sila.

"Ate dont be scared" sabi nung naka printed grapes style ang pajama.

"I'll call kuya. Just wait here my future sister in law" nagulat ako sa sinabi nung naka printed strawberry style ang pajama. Nyek? Hindi nalang ako umimik. Bata eh. Tapos tumakbo na siya palabas.
Ang lalambing naman tong kambal na'to. I want to bring them home.

"Can I pick flower ate?" sabi nung naiwan na kambal. Natawa nalang ako at tumango sakanya. Siya namang tuwang-tuwa na kumukuha ng mga bulaklak sa buhok ko. Tinulungan ko siyang kumuha ng bulaklak at inilagay yun sa mga buhok niya. Agad siyang pumunta sa malaking salamin ng kuwarto at tuwang-tuwa sa mga palamuti sa buhok niya.

"Hey Grapes! Go to your room Strawberry is there na!" sigaw ni Arthur sa pintuan. Yung tinatawag naman niyang Grapes, tumakbo palabas. Mukhang natakot sa kuya niya. Ya! This guy! He's so bad!

"Is this your room?" tanong ko sakanya

"Y-yeah" simple niyang sagot. Ang gara naman ng kuwarto niya. Pan racing ang theme. Adik nito sa sasakyan. Ang dami niyang collection ng mga toy cars. Nakadisplay ito sa mahabang hanging cabinet niya. Tapos meron rin siyang mga helmet na nakasabit sa dingding. Pati ba naman kumot niya mga kotse ang style. Tumayo ako at tiningnan ng malapitan ang mga collections niya. Parang may maluwang. Feel ko ang luwang ng suot ko. Parang fit naman sa'kin tong dress na suot ko kagabi. Humarap ako ng salamin at nakita ko ang reflection ng likod ko sa kabilang salamin. Dalawa kasi mirror ng kuwarto niya puro malalaki at magkabilaan ito.
Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Naka bukas ang zipper ng dress ko sa likod. Hanggang baba ng pwet kasi ang pagkabukas ng zipper tapus yung... Y-yung ... yung bra ko waahhhh!! Di na siya naka lock (charot! Di ko alam term kasi haha you know waray-waray si author.) Kaya pala natahimik tong si Arthur. OMG! Nakita niya pwet ko! AAahhhh! Ako naman tong sigaw ng sigaw at itinabon ang kumot ng bed sa buong katawan ko para itago ang heaven ko.

"Walang hiya ka Arthur! Aaahh! Waahh!" sigaw ko sa kanya at binabato siya ng mga unan.

"Ano ba?! Huwag mong kalatin kuwarto ko!" sabi niyang umiilag sa mga binabato ko sakanya na unan.

" You Maniac! Di dahil nalasing ako kagabi pinagsamantalahan mo na ako!" sabi ko sabay upo sa sulok ng kuwarto.

"Pinagsamantalahan? HAHA seryoso?" sabi niyang tumatawa.

"Oo! Hayop ka! Binuksan-buksan mo zipper ng dress ko tapos inano mo pa bra ko! You Maniac!" sabi ko sabay bato uli sakanya ng unan.

"Hindi ako may gawa niyan! It's you the one who unzipped the zipper of your dress! Try mo ngang alalahanin yun. Kala ko nga maghuhubad ka na. Baka masuka pa'ko." pang-iinis nito. Ako namang inaalala ang nangyari kagabi.

Nasa bar kami at nakatulog ako. Meron nag bridal carry sa'kin at inuwi ako. Paglapag niya sa'kin sa higaan, naiinitan ako non ng sobra. Kahit napakalakas na ang hangin ng aircon. Kaya tumayo ako na half close mga mata ko at pilit na inaabot ang zipper ng dress ko sa likod at binuksan ito. Yung lalaki naman sa likod ko naiilang at tumalikod nalang dahil sa ginawa ko. Dahil nasisikipan ako, tinanggal ko ang pagkaka-lock (sorna sa term ko HAHA) ng bra ko At.... At..... Knock out na'ko.

Maldita Overload Where stories live. Discover now