Ang Aming Nakaraan....

152 0 1
                                    

Ako si Gregory James Chua, “Greg” for short, 22 years old, CEO ng Flair Company.

Ang Flair Company ay pag aari ng aming pamilya, hawak nito ang Flair Hotels, Flair Restaurants at Flair Textile or Clothings in short. Sikat din pala ako sa mga chicks *kindat*

Wala akong problema sa buhay kung tutuusin andyan na sakin lahat PERA, BABAE, KAPANGYARIHAN.

Ehem.

Nag tataka na kayo kung anung itsura ko noh?

 Ito na wag ma-inlove ah! 5’9” ang height ko, flawless ang skin, pure black na mga mata at black hair.

Iniisip niyo ‘yun lang?

Ito pa isa akong basketball player, chess player, tennis player at marunong din akong sumayaw.

At nanalo ako dyan lahat, MVP kaya ako ng Highschool at College ko!

Kung hindi pa yan sapat sa inyo graduate with honors ako, NEVER akong nabgasak.

Kaya naman nakukuha ko ang mga babaeng gusto ko.

May looks, talent at pera. Diba ‘yun naman talaga habol niyong mga babae? Aminin niyo na!

Pero alam niyo lahat ‘yun nag bago ng nakilala ko si Jasmine.

Nakilala ko siya sa Graduation Party ng classmate ko two years ago. Hindi naman siya sobrang ganda at hindi rin siya ang tipong babae na mapapansin mo agad. Pero alam niyo ba ang ka simplehan niya at kabaitan ang nagpapansin nito sa akin. Hindi niya ako fini flirt noon, hind nga siya nakikipag eye contact at usap sa akin masyado. May girlfriend pa pala ako noon si “Jenny Reyes” napilitan lang ako sa kanya ang kulit kasi.

Balik kay Jasmine…Una akala ko nagpapangap lang siya marami na akong nakilala na ganyan pero nag kakamali ako, talang “conservative” type pala itong si Jasmine. At simula doon, nakuha na niya ang attention ko.

Sinubukan ko siyang ligawan, syempre hiniwalayan ko na si Jenny.

Nang nagsabi akong mag liligaw ako BUSTED AKO AGAD. Inisip ko there goes my pride down the drain…

Pero di ako nagsuko di ko ma accept na kaya niya akong Ibusted, walamh babae na pwedeng gumawa nito sa kin!

Ni regalohan ko siyang mga mamahaling gamit, simula sa mga bags, sapatos, jewelries at kung anu pa man. Sinubukan ko ngang mag regalo ng kotse! Pero wala talaga! Pero alam niyo hindi ako sumuko! At alam niyo ba bumili ako ng mas mamahal na gamit kung dati pa isa isa ang sumunod dala dalawa hanggang sa apatan. At lahat ‘yun BINALIK.  

At alam niyo simula noon iniwasan niya na ako.

Hindi ko napansin na break niya na din ‘yung record kung gano ako katagal sumasama sa mga ex- girlfriends ko…hindi ko rin napansin na ilang weeks na din pala akong nag kukulong at nag mumuk muk sa isang sulok.

At salamat sa bestfriend ko saka ko na realize nahulog nap ala ang loob ko sakanya. Binigyan niya akong advice, una sinabihan niya akong hindi lahat ng babae mapapasagot mo sa isang paraan sinabihan niya akong HINDI LAHAT HABOL PERA. At pangalawa "Patience"

Hindi ako makapaniwala meron babae na ganun! You readers might hate me but 'yan ang tingin ko sa mga babae! Pero mukhang nagkamali nga ako....

Kinabukasan nag start na ako ng first move ko...niyaya ko siyang lumabas ay masaya naman siyang pumayag. Nag start nga kami as friends, after a few months nag tanong ako kung pwede manligaw 

ang sagot niya pareho pa din na "Hindi" pero alam niyo may nagbago imbis na isipin ko pride ko natawa na lang ako. At saka ko naisip na mas masaya akong kasama siya kesa sa pride ko :)

Hindi ko na dinaan sa dati kong method siya... naiiba nga siya isip ko. Gusto niya maging doktor para tumulong at dito lang siya sa Pilipinas....hindi ko 'yun makalimutan, kadalasan ang iba gusto nila mag doktor dahil sa malaking pera at para pwede makaluwas ng bansa...hinahangaan ko siya. :">

Bukod doon ginagalang ko siya, naging kaibigan ako sinamahan ko siya kung saan niya gusto syempre lumalabas din kami with friends. And dear readers this may sound korny pero alam niyo nag kahit hindi kami at alam kong pwedeng hindi tlga maging kami nag seselos ako. Marami pala sa kanyang nag kaka gusto >.<

After two years na pagiging consistent naging kami na din :)

Para sa akin hindi mahirap 'yung two years na 'yun. Di ko nga napansin :) Basta ang mahalaga masaya akong kasama ko siya a dalawang taon na 'yun. At lalong sumaya ako ng nalaman kong masaya din siya. 

Kaya sa lahat ng mga babae dyan, sorry. Hindi pala lahat MAARTE, MALUHO, MAYABANG, MAKASARILI, FLIRT at GOLD DIGGER :)

May mga matitino at conservative pa pala. 

Kaya mas piliin niyo na lang ang pangalawang nabangit ko tungkol sa mga babae. 

Mas igagalang kayo at mamahalin. Wala kayong mapapala kapag kayo ung naunang nabangit ko. 

Totoo ang sinasabi ko :)

Mas masarap makasama ang babaeng matino at conservative yan ang hanap ng mga TOTOONG LALAKI tulad KO.

Si Jasmine my love nga lang Medical Student, mukhang dyan kami mahihirapan.

Pre-med niya daw kasi ang BS BIO, Medicine daw talaga kasi gusto niya.

Lord gabayn niyo po sana kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to Date a Medical StudentWhere stories live. Discover now