30

2 0 0
                                    

[Farrah Madrigal]

Napamulat ako ng makarinig ng mga pagtawa.

Nakahiga ako sa sofa. Anong nangyare?

Tiningnan ko sila. Masaya sila. Tumatawa. Nagkukulitan. Pero totoo ba yun? O ginagawa lang nila yun para....para makatakas sa sakit?

Napatingin ako sa lalaking dahilan kung bakit ako nandito.

Napangiti ako ng makita na may mukhang okey na siya. Tulog siya.

Lumapit ako sakanya.
Hindi nila napapansin na gising na ako.

"Farrah, are you okey now?"
-tanong ni Kulyn ng makalapit ako. Naghihintay lang sila lahat ng sagot ko. Tumango lang ako at umupo sa tabi ng kama ni Axel. Hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang payat na niya. Pero kahit ganun, gwapo pa din siya.

"Don't leave me, please. Hindi ko kaya"
-sabi ko at umiyak nanaman.

-----

[Kulyn Dhrea Lopez]

"Don't leave me, please. Hindi ko kaya" -napatigil kami sa pagtawa ni Angel. Sa pagtawa ng peke. Oo pinipilit naming maging masaya para kay Farrah. Masakit samin ang nangyayari kasi kaibigan namin ang nag aagaw buhay. Pero alam kong mas masakit kay Farrah, baka nga hindi lang dobleng sakit. Baka tatlong beses pa. Kaibigan niya si Axel, Mahal niya si Axel.

Nakatingin lang kaming lahat kay Farrah. Walang umiimik. Lahat kita sa mga mata namin ang awa kay Farrah.

Umiiyak siya ngayon, umiiyak nanaman siya. Natatakot ako na baka hindi niya kayanin, na baka mahirapan siyang tanggapin. May 1 buwan pa si Axel at mahigit pero sobrang hina na ng katawan niya. Alam kong nahihirapan na siya, alam kong lumalaban lang siya para kay Farrah.

Tumayo ako at nilapitan ko si Farrah. Niyakap ko siya.

------

[Farrah Madrigal]

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin. Dahil dun mas napaiyak ako. Humagulhol lang ako habang yakap-yakap ako ni Kulyn.

"Shhh. Tama na Farrah"
-pag aalo sakin ni Kulyn pero hindi ko magawang tumigil. Pakiramdam ko pag tumigil ako sasabog yung dibdib ko.

***

"Farrah, kumain kana muna"
-napatingin ako kay Vrein.
Umalis muna silang lahat para kumain sa labas. Si Vrein na ang nagpaiwan para samahan ako.

"Busog ako Vrein"
-sagot ko. Hindi ako makaramdam ng gutom. 3 araw ng hindi gumigising si Axel. Gusto ko pag gumising siya ako kaagad ang makikita niya. Katahimikan ang nanaig samin.

.......

"Pakawalan mo na siya Farrah"
-napakunot ang noo ko sa sinabi ni Vrein.

"What are you talking about?"
-taning ko. Hindi ko siya maintindihan. Kaibigan siya ni Axel, anong sinasabi niya?

"He's been hurt too much, Farrah. It's enough, ayokong nakikita si Axel na ganyan, I know, hirap na hirap na siya. It's time for him to go Farrah"
-nasampal ko si Vrein. Alam kong nagulat siya.

"H-how dare....how dare you!"
-sigaw ko sakanya.

"Don't be selfish Far"
-sabi niya at iniwan akong nakatulala. Umiiyak.

***

Naglalakad ako papasok sa hospital, galing ko sa labas, bumili kasi ako ng prutas.

"Emergency, Faster!"
-nagulat ako ng biglang nagtakbuhan ang mga Doctor at nurses.

"Ano pong nangyayare?"
-tanong ko sa isang Nurse na hinabol ko.

"Nag aagaw buhay po yung pasyente sa room 54" -sa sinabing yun ng nurse tumakbo na ko para makahabol sa elevator. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagkabukas na pagkabukas ay agad akong tumakbo sa loob, nakita ko na sini-CPR na nila si Axel.

"Axel"
-hinila naman ako ni Lex papalabas at niyakap ako. Itinalikod niya ako kay Axel.

Humaguhol lang ako ng humagulhol.

"Bitawan mo ako!"
-pinilit kong kumawala kay Lex at nagawa ko naman.

Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ni Axel.

Si Axel... Naghahabol siya ng hininga... Hirap na hirap siya!

"AXEL! AXEL!"
-sigaw ko sa pangalan niya. Hindi siya lumilingon sakin. Naghahabol lang siya ng hininga.

'He's been hurt too much Farrah!'

'It's time for him to go!'

'Pakawalan mo na siya'

Humagulhol lang ako ng mag flashback sakin ang sinabi ni Vrein.

Tutusukan nanaman sana siya ng malaking karayom ng Doctor. Lumapit ako at pinigilan siya.

"Tama na po*sob*. Hi...Hirap na hirap na siya"
-tumango sakin ang Doctor at tumabi silang lahat.

-----

[Lex Vergara]

Pinagmamasdan lang namin si Farrah habang umiiyak sa tabi ni Axel. Pinigilan niya ang Doctor ng tuturukan na siya ng pampatulog, pampatulog na magpapahirap naman sa katawan niya.

Alam na namin ang iniisip ni Farrah.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Lahat na halos kami umiiyak. Tumutulo lang ang luha ko. Pero alam kong ang sakit na nararamdaman ko, ang sakit na nararamdaman namin ay wala sa sakit na nararamdaman ni Farrah. Matapang siyang babae. Alam kong kakayanin niya to.

----

[Farrah Madrigal]

"Magpahinga kana Axel. Sobra ka ng nasasaktan. Magpahinga kana mahal ko" -sabi ko sakanya habang humihikbi. Nagawa niya akong tingnan, tumutulo lang ng tumutulo ang luha ko.

"M-mahal....ki.....kita"
-sabi ni Axel, nag inhale lang siya.
Nung nag-exhale siya un na ang huli.

Nakita kong biglang may luhang tumulo sa mga mata niya.
I



Pinahid ko yung patak ng luha na yun at hinalikan siya noo.

"Mahal na mahal kita"

------

Me And ThemWhere stories live. Discover now