Chapter 22

243 9 3
                                    

A/N: HELLO!!! Sobrang madalang lang akong mag A/N sa story na 'to pero napagawa ako dahil sa isang espesyal na tao. Yieee! Binabati ko nga pala si Roldan Lamanero Carmen na isang masugid na tagasubaybay sa story na 'to. Salamat Roldan! Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit nag-update ako ngayon. Thank you thank you. Follow niyo raw po pala siya sa twitter @dalanDaaaaan17 Mabait 'yan. Promise. Shoutout din kay Angelica Sarsale. Hello! Ito na 'yung update. Salamat sa support. :)

=====

Chapter 22

Yanna's POV

Monday. Simula na ng trabaho ko sa isang kainan sa school nina Nicholo kaya kailangang maaga ako. Pumunta ako sa kusina para uminom bago umalis nang biglang marinig ko na nag-uusap sina ate at 'yung kapatid niya.

"Mawawala ako ng almost one week para sa conference na pupuntahan ko kaya ibibigay ko sa 'yo 'tong budget at allowance mo sa buong linggo. May sobra na rin diyan para kung may extra expenses pa, may mapagkukunan ka. Ingatan mo 'yan!"

"Biglaan naman ata 'yung alis mo."

"Ganoon talaga. Hindi naman ako makatanggi. Alam mo na, para na rin sa promotion. Teka, 'yung sa scholarship mo--"

"Oo na, ate! Ibibigay ko naman sa 'yo 'yun eh."

Tinapik ni ate Anikka si Nicholo sa braso, "Hindi na! Sa 'yo na 'yon. Ipambili mo ng gusto mo tutal ilang semester mo na rin 'yan sa akin binibigay ng buo."

"Seryoso ka?"

Ginulo ni ate 'yung buhok ng kapatid, "Oo nga. O sige na. Umalis na kayo at baka malate pa kayo sa school." Bigla silang napatingin sa dako ko kaya medyo nagulat ako. "Yanna, halika nga rito!" sabi ni ate habang sumesenyas na palapitin ako sa kanya. Pagkalapit ko, may inabot siya sa aking sobre, "Allowance mo sa isang linggo."

Sumenyas ako na 'Hindi na po kailangan.' pero kinuha niya 'yung kamay ko, inilagay doon 'yung sobre at itinikom ang palad ko.

"Mabait ka namang bata kaya binibigay ko 'yan sa 'yo. Bumili ka ng pagkain kapag nagugutom ka, ha? O sige na. Mag-ingat kayo."

'Thank you po.' nginitian niya ako pagkasensyas ko nu'n.

Medyo natagalan kami ni Nicholo ng paghihintay bago makasakay sa jeep. Monday nga pala kaya marami talagang tao papunta sa school o kaya sa office. Dahil medyo late na rin, sumakay na kami doon sa isang jeep na medyo may kasikipan na sa loob. Usually kasi kapag papasok kami nang sabay, naghihintay talaga kami ng maluwag luwag. No choice ngayon kaya sumakay na kami.

Hindi kami magkatabi sa upuan, okay naman na 'yun sa akin. Sa mga nakaraang araw din naman hindi kami magkatabi. Either siya ang lalayo o ako. Sa jeep na sinasakyan namin, nasa bandang tapat ko siya. Bale katabi lang siya ng manong na katapat ko. Dahil masikip sa loob, hindi niya nailagay 'yung wallet niya sa bulsa pagkabayad namin kaya nilagay niya muna iyon sa school bag niya.

Love in Silence [ Ongoing ]Where stories live. Discover now