Seven

28K 245 2
                                    

Jaqueline Isabella Diaz


Nagtuloy tuloy ang magagandang araw namin ni russell, mas nakilala ko siya dahil lagi kaming magkasama. masaya siyang kasama, makulit at kahit bastos ang bunganga niya alam niya kung hanggang saan ang limitations niya.



"Hindi kaya ako matunaw sa titig mong yan?" naka ngisi pa ang loko.



"Baliw ka. nagtataka lang ako bakit ang dami mong naloloko sa mukha mong yan, I mean.. yeah you're hot but not super hot" pangangasar ko sa kanya.



sumimangot naman siya agad at hininto bigla ang sasakyan. nagtaka naman ako sa ginawa niya.



"Ah ganun pala ah.." nagulat ako sa pagkiliti niya sa akin. tawa lang ako ng tawa at pati siya nahawa na din sa kakatawa.



"S-stop russell..Ahh. t-tama na hahah!" pigil ko sa kanya. tumigil siya sa kakakiliti sakin and then he gave me a gentle kiss on my forehead.



"You're a sweet bastard" I smirked. nagsimula na siyang mag drive ulet and this time sabay na kaming kumakanta sa kotse niya. para lang kaming baliw. siguro kung may makakakita sa amin, baka isipin nila na siraulo na kaming pareho dahil sa school naman hindi kami ganito. specially russell sa mga babae.


--


"Love, ang cute cute mo dito sa mga pictures mo" abalang tinitingnan ni russell ang phot albums ko, paano kasi pinakita pa ni mommy sa kanya. tuwang tuwa naman ang gago.



"Ikaw tigilan mo na nga yan. dalawang oras mo ng tinitingnan ang mga yan paulit ulit nalang" pinipilit kong kong hablutin sa kanya yung isang album pero ayaw niyang ibigay.



"Hindi kasi ako makapaniwala na ikaw ang mapapangasawa ko, ang swerte ko talaga" nakangiti siya sakin. hinila niya ako paupo sa kanya. nagpa hila naman ako.



"Yeah right, you're a lucky bastard" I held his chin so that I could give him a light kiss. nagulat naman siya sa ginawa ko pero agad din ngumiti



"Ang sarap naman, paulit nga" tingnan mo 'to hindi pa makontento. I just rolled my eyes.



"Are you sure na tinapos mo na ang mga relationshit?" tanong ko sa kanya, baka mamaya nyan may malaman ako pag pasok ko bukas. lagot talaga 'to sa akin.



"Ofcourse, I already did madam" he pinched my nose. "tara na sa baba kanina pa yata nag aantay sila mommy mo dahil kakain na daw tayo"



"what?! kanina pa? bakit hindi mo manlang sinabi?" nakakahiya sa parents niya.



"I forgot, because I'm busy chatting with my future wife.. you" He winked. kahit kailan talaga ang isang 'to ang chessy.



Habang kumakain kami, sinimulan na din pag usapan nila mommy ang about sa wedding naming dalawa ni russell. Is it really going to happen? Me? Russell? Marriage?


-----------------

Don't forget to vote and comment. thank you! Love xoxo-

Arranged Marriage to a CasanovaWhere stories live. Discover now