Palimos

57 1 0
                                    


Minahal kita
Kahit alam kong may mahal ka na
Oo!Mahal Kita!
Kahit may  mahal ka ng iba
Pwedeng palimos?
Palimos ng pagmamahal mo
Palimos naman kahit konti lang
Kahit katiting basta pagmamahal mo lang
Bigyan mo naman ako ng pagmamahal kasi inubos ko na sa sayo kahit  hindi mo naman ako mahal
Nakikita mo ba talaga ako?
Ako pa nga yung palaging nandiyan sa tabi mo pero bakit parang wala lang ako
Oo nga pala nasa iba ang atensyon mo
Palimos naman oh
Palimos kahit pagmamahal mo lang
Pagmamahal mo na ako lang
Pagmamahal mo na nasakin lang
Bakit ba nasa kanya ka lang nakatingin?
Bakit ba siya nakuha mong mahalin?
Bakit ba ako hindi mo ko mapansin?
Bakit ba ako hindi mo kayang mahalin?
Mahal ako nalang ,
Ako nalang kasi wag na siya kasi mapapagod ka lang sa kanya
Ako nalang kasi ang mahalin mo
para malaman niya ang halaga mo
Ako nalang para di ka na mapagod pa dahil nasa iba din naman ang atensyon niya
Mahal ?
Kailangan ko pa bang lumuhod para kahit konti mabigyan mo lang
Mahal ilang beses ko pang babanggitin ?
Isa ? Mga dalawa o tatlo
Palimos! Palimos! Palimos!
Okay na ba yan sayo?
Binigyan mo na ba ako ng atensyon mo?
Gusto ko yung pagmamahal mo
Gusto ko ikaw , yung ikaw mismo

Tula ni JMWhere stories live. Discover now