Chapter 1: The Teddy Bear

16 1 0
                                    

Pinapakinggan ko yun song ng I will wait for you by Us. Itong story na 'to ang pumasok sa isip ko. (*¯︶¯*)

Hope you would like it.

Read. Comment. Vote.

P.S. I advise you listen to the song while reading this. *winks*

Astounded by the world,

Rosette Artemis

-------------------------

Naperfect na naman ni Remilyn De Bellen ang pagsusulit nila sa Trigonometry. Ni hindi man lang ito pinagpawisan o napagod habang kumukuha ng exams.

Iba na talaga kapag pinanganak kang grade conscious. Gusto mo perfect ka sa lahat ng exams mo. Pati PE at Values Education ay hindi mo palalagpasin.

Uwian nun, inaayos ni Rem ang laman ng kanyang bag. Halatang atat na atat ng umuwi.

"Rem, gimik tayo." anyaya ng isang babae na nakaponytail.

Tumingin si Rem sa kaklase at nagpakita ng isang pekeng ngiti.

"Next time na lang. Pagod na kasi ako." palusot nito.

Hindi na nito hinintay makapagsalita pabalik ang kausap. Kinuha nito agaran ang gamit at lumabas ng silid.

Sa katotohanan, wala sa bokabularyo ni Rem ang gimik o ano mang salita may relasyon dun.

Kumbaga, foreign word sa kanya yun.

Puro aral lang ang nasa utak niya. Wala ng ibang mahalaga sa mundo, maliban sa line of nine nito sa card.

Palibhasa, naranasan na niya ang maging bobo nung nasa elementarya siya.

Nasa ikalawang baitang siya nun.

Inaasahan na sa kanila na dapat marunong na silang bumasa at sumulat pero No Read and No Write pa rin si Remilyn.

Naalala niya tuloy yung pagpapahiya sa kanya ng kanyang guro sa buong kaklase. Pinilit kasi nito na magbasa siya sa harapan kahit alam naman nito na hindi pa siya bihasa.

Umuwing luhaan si Rem nun pagkatapos dahil sa pangungutya ng mga classmates niya na utak-biya daw siya.

Simula nung na araw na yun ay nangako na siya sa kanyang sarili na mag-aaral na siyang mabuti.

Hindi na ito makakapayag na tapak-tapakan lang siya ng ibang tao.

Maya-maya ay napatigil siya sa kanyang paglalakad ng may natabing siyang nakakalat na teddy bear sa kalsada.

Nung una, hahayaan niya lang sana ito. Alam naman niya na babalikan din ito ng may-ari.

Kaso nung pinagmasdan niya ito ng mabuti, nanaig ang kagustuhan na yakapin ang laruan ng mahigpit.

Mahilig kasi si Rem sa mga stuffed toys lalo na kapag hayop.

"Sino kaya nakaiwan sayo?" tanong nito sa uso habang niyayakap.

Pagkatapos yakapin, hinanap niya sa laruan kung may pangalan nakasulat o ano mang palantandaan na may nag-aari dito.

Sa bandang ilalim ay may nakita siyang brand name na may nakasulat na G Toys and Crafts.

Lumingon siya sa paligid upang makahanap ng taong mapagtatanungan. Sinuswerte naman siya at may matandang ginang na nagdidilig ng kanyang bakuran sa malapit.

"Magandang hapon po, pwede po ba magtanong?" simula nito

Napatigil ang matanda at tumingin sa kanya.

More than NumbersWhere stories live. Discover now