Chapter 5

2K 66 1
                                    

Nanginginig ang mga daliri ko na pilit kong binubutones ang butones ng blouse na suot ko pero wala pa rin pwersa ang mga ito.

"Let me" mula sa likod ko ay hinawakan ni Duncan ang mga palad ko pagkatapos ay ito na ang nagbutones sa blouse ko.

Kagat kagat ang labi na napayuko na lamang ako.

Damn it! This is the second time na may nangyari na naman sa amin!

Hindi ko na pwedeng isisi sa alak ang katatapos pa lamang na nangyari sa amin ni Duncan dito sa opisina ko kasi malinaw na malinaw ang isip ko at walang bahid ni katiting na alak ang sistema ko.

Bigla ay naramdaman ko ang mainit na labi ni Duncan sa likod ng tenga ko.

At ang mga kamay nito ay muli na naman dumadama, pumipisil sa mga dibdib ko.

"M---mr. Guevarro please t--tama na..." napapasinghap na pakiusap ko dito.
"I'm still sore" namumula ang magkabilang pisngi na dagdag ko pa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at pagkaraan ay hinawakan ako nito sa bewang ko at saka pinaharap ako sa kanya.

Hinawakan nito ang baba ko at iniangat paharap sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin.

Bumaba ang mukha nito sa mukha ko at ilang saglit pa ay naramdaman ko na naman ulit ang malambot na labi nito sa labi ko.

Siniil nang mariin na halik ako nito at ang traydor na labi ko ay muli ko na naman natagpuan ang sarili ko na tumutugon dito....

______________

"Ate Champagne..." mula sa mga papeles na binabasa ko ay nag angat ako ng tingin kay Vodka na kasama ko dito sa library.

Kahapon ay pumirma na si Duncan sa amin kaya naman sa amin na kukuha ng supplies ang mga Bar nito ng mga alak.

"Alam mo kahapon ko pa iniisip kung bakit parang pamilyar sa akin si Mr. Guevarro" anito.

Natigilan ako sa tinuran nito.

Kung gayon ay di lang pala ako ang nakaramdam ng ganun kundi pati na din si Vodka na parang pamilyar nga talaga sya sa akin.

"So...alam mo na?" buong pananabik na tanong ko dito.

Napapakamot na umiling ito.

"Hindi ko pa din maalala Ate Champ,sorry" sagot nito na kinabagsak ng balikat ko.

Nang makita nito ang reaksiyon ko ay napatawa ito.

"Uy si Ate...mukhang may crush kay Mr. Guevarro" nakangising tukso nito na ikinapula ng mukha ko.

"Vodka! stop it you know na malapit na kaming ikasal ni Devlin" saway ko.

"Relax Ate Champagne" natatawa pa din na nagtaas ito ng dalawang kamay.
"Crush lang naman yun eh, hindi love, isa pa wala naman masama dun natural di mo mapipigilan na humanga ka naman talaga sa ibang lalake bukod kay Kuya Devlin" rason nito.

Napailing na lang ako.

"Kahit na Vodka, nakakahiya lalo pa kung si Devlin ang makakadinig"

"Hay naku Ate Champagne, napaka loyal talaga ang suwerte talaga ni Kuya Devlin sa iyo" naiiling na niyakap ako ni Vodka.

Tila piniga ang dibdib ko sa sinabi ni Vodka.

Nakaramdam ako ng hiya pagkaalala sa dalawang beses na may nangyari sa amin ni Duncan.

"Ate Vodka! Tawag ka ng secretary mo!" Mula sa pinto ay tuloy tuloy na pumasok si Martini na may hawak na cordless telephone.

"Bakit daw? Anu na naman kailangan sa akin ni Mila?" Tanong ni Vodka.

Nagkibit balikat si Martini at saka lumapit kay Vodka at iniabot ang telepono.

"Tanong mo na lang Ate Vodka, kailangan ko pang tapusin ang ginagawa ko eh, ipapasa ko na kasi yun bukas" nagmamadaling sabi ni Martini at lumabas na ito ng library sumunod dito si Vodka na  pupunta daw sa may balcony para mas malinaw na makausap ang secretary nito.

Naiwan na ako na mag isa dito sa library.

Naglalaro sa isip ko ang mga kagagahan na pinaggagagawa ko.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa din ang sarili ko kung bakit sa pangalawang pagkakataon ay nagawa kong ipaubaya ang sarili sa isang lalaking kilala ko lamang sa pangalan at hindi sa fiance ko na matagal ko ng kilala...

At muli ay wala na naman akong natagpuan na sagot sa mga tanong.

Tunog ng cellphone ko ang pumukaw sa naguguluhan na isip ko.

Nang tignan ko ito ay sumikdo ang dibdib ko sa nagpadala ng mensahe...

sweet dreams my Champagne.... Love pagkabasa ko sa mensahe ay nadala ko na lamang ang aparato sa dibdib ko at kinipkip ko pagkatapos ay dumungaw ako sa bintana para tignan ang mga nagkikislapan na mga bituin sa langit.

Duncan.... isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko...

CHAMPAGNEWhere stories live. Discover now