Chapter 22

62.2K 1.1K 40
                                    

A relationship needs some crazy stuffs to strengthen the bond and highlight the spark.

HERA GRACE MONTELLANO

WARNING: THIS IS A BIT NAUGHTY CHAPTER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WARNING: THIS IS A BIT NAUGHTY CHAPTER.

Kahit saang anggulo mo tingnan halatang buntis talaga ako. Malaki na din kasi ang tiyan ko at magpapanic na lang talaga ako pag naglalakad ako at may makakasalubong dahil feeling ko baka mabangga niya ako.

Buti na lang at lagi akong may kasama pag naglalakad at kadalasan ay kung hindi si Summer ay si Winter naman na daig pa ang babae sa pagiging OA. Imbes na advice ng OB na maganda daw pag naglalakad lakad ako at unting exercise ay kulang na lang ay lagi niya akong buhatin.


Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan talaga tuwing hatinggabi na ay magigising na lang ako na parang pinipilipit ang paa ko. Nagcacramps ako at noong unang beses na nangyari yun ay natutulog siya sa sofa sa room ko kaya siya noon ang nagmassage sa legs ko habang inaalo ako dahil sa pag-iyak ko.


Kinabukasan pa ay pinacheck up pa ako. Mula noon, sa kwarto ko na talaga siya natutulog at kapag dinadapuan ako ng awa ay pinapatabi ko siya sa akin pero kapag inis ako sa kanya ay sa sofa siya o sa sahig.

Thankfully, wala na ding morning sickness minsan na lang din ang mood swings o kadalasan ay gusto ko lang siyang inisin o magpalambing. Tsk! Malay ko ba kung kailan ako naging ganito. Naispoil kasi ako sa presensya at kasweetan niya.

Mas lalo na lamang napapalundag ang puso ko sa tuwing makikita ko siyang nakakatulugan ang pagbabasa ng mga pregnancy at parenthood/fatherhood journal or books. Kahit almam kong pagod siya sa trabaho ay lagi siyang naglalaan ng oras sa pagbabasa ng mga ito at pagtatanong kina Tita at Tito.

"Good morning baby. Two months na lang magkikita na tayo." Naluluha na lamang akong napangiti habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Kagigising ko lang at agad niya akong sinalubong ng halik at pabati pati na si baby.

"I'm so so excited to meet you baby. If you'll be a girl...dapat kamukhang kamukha mo si Mommy ok? Kung lalaki naman sana si Daddy ah...I mean ako yung magiging kamukha mo ah..." dagdag pa niya habang hinahaplos niya yung malaking tiyan ko at nakahilig ang tainga niya sa gilid ng umbok ng aking tiyan.

Hindi ko na napigilang mapahaplos sa buhok niya lalo na sa huling mga katagang sinabi niya. Some part of me is still doubting about our relationship because first and foremost, hindi kanya itong dinadala ko pero sa bawat kilos at salita niya, nawawala lahat ng pangamba ko. He's presence is more than an assurance that he wants to keep the both of us.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Where stories live. Discover now