DECODING 4: A LION TRYING TO BE A KITTEN (Part Two)

1.1K 50 24
                                    


  --sino nga bang kriminal ang aamin sa krimeng nagawa niya? Hindi ba't isang kahangalan iyon?


"If you're hiding grudge for the victim, paano niyo siya papatayin?" At sinundan pa ng tanong na, "At anong mararamdaman mo kung maisakatuparan mo na ang pagpatay?"

Isang malutong na mura ang pinakawalan nang kasintahan ng biktima, "Are you insane or what?! Making fun on what had happened to my girlfriend?! Who are you to asked us that gadamn question?" Halos pumutok na yata iyong litid niya sa leeg pero isang nakakainis na ngiti lang ang isinukli sa kanya ni Odin.

"Don't you heard? I am the detective and consultant here. And, whether you not like it or not, you and also the three of them will answer my question," he turned his back at lumapit sa akin para bumulong. "I want you to listen and kindly analyze everything, carefully. Gusto ko'ng magkaroon ka ng partisipasyon sa kaso'ng ito, Miss Carrieto." At humarap na ulit siya sa kanila. 

"Who wants to volunteer first?" He grinned. "Any one? Hm, Mister Diokno? Tutal ay ikaw naman ang boyfriend ng biktima--

"Tss, kalokohan. Pero para matahimik ka na, sasagutin ko 'yan," panimula ni Sherwin. "Oo at hindi maayos ang lagay ng relasyon namin, at nakaramdam ako ng galit sa kanya--but not enough reason para patayin ko siya. Hindi ko kayang gawin 'yon sa babaeng mahal ko... At kung may papatayin man ako," napakuyom siya ng dalawa niyang kamao at pinanlisikan ng mga mata si Ocampo. 

"...ay iyang lalaki'ng 'yan, for ruining my trust for him and to my Girlfriend!"

"Mali ka nga kasi ng iniisip!" Depensa naman ni Ocampo. "Ano'ng mali? Ha?! Alam ko kung ano ang nakita ko!"

"Nakita mo lang, pero hindi mo narinig!" Mukhang magpapang-abot na ang dalawa kung hindi pa sila naawat ni Inspector at ng isa pang Police officer.

"Looks that you have something to share, Mister Bryant Ocampo?" Makahulugang sabi ni Odin. Natahimik naman ang lahat na tila hinihintay na magsalita si Ocampo.

Napayuko ito sandali na tila humuhugot ng lakas para sa sasabihin niya, "A-ako at si Lyshel-- 

"D*mn you! Sinasabi ko na nga ba!" Mabilis na sinugod ni Sherwin si Bryant para kwelyohan. 

"G*nagago niyo tal-- 

"Sandali lang mga hijo!" Si Inspector.

"Let me finished first, Sher! You've misinterpret the thing, again," pero hindi nito inalis ang pagkakahawak sa kwelyo ni Ocanpo. "Ako at si Lyshel, nag-usap kami kaninang tanghali sa likod ng Dorm building, at mukhang iyong scene na nakita mo ang pinagpupu-putok niyang galit mo ngayon. Eh ang tanong," ngumisi siya sa harap mismo ng mukha ni Sherwin. "...narinig mo ba ang pinag-usapan namin?"

Lumuwag ng bahagya ang kapit nito sa kwelyo pero agad di'ng napahigpit, "Hindi ko na kailangang marinig dahil kitang kita ko kung paano kayo mag-yakapan na dalawa!"

Bryant shook his head. "Actually, she was just comforting me," he smiled bitterly. "Siya lang kasi ang nag-iisang nakakaalam ng totoong sitwasyon ko. At naaawa siya sa akin." 

"You liar! At sa girlfriend ko pa talaga! Sa kanya ka pa talaga nagpa-comfort! Siya pa tal--

"Stage 2 leukemia..." Natigilan kaming lahat.

"Bry?" Gulat na tanong ni Chang.

"Tss, sa ganitong scene niyo pa talaga nalaman... The doctor diagnosed the abnormality of my blood--tss, anyways that's not the issue." Tinanggal niya ang kamay ng tulalang si Sherwin na nakahawak sa kwelyo niya dahil mukhang hindi pa nito nada-digest ang nalaman nito.

Humarap siya sa batang detective para sumagot, "W-wala akong galit kay Lyshel, malaki pa nga ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko magagawa kung ano man ang nangyari sa kanya. Maging ako ay nagulat sa nangyari...

...isang kaibigan ko ang nawala. Ang nakakagulat pa ay bakit? Mabait at wala akong alam na may nakaaway siya--si Sher lang. Pero tiwala naman ako na hindi niya 'yon magagawa-- 

"Hindi mo masisigurado 'yan," singit ni Odin. "Marami na akong nahawakang kaso, at masasabi ko na nasa-kuwarenta porsiyento rito ay may kinalaman sa buhay pag-ibig. At karamihan dito ay dala ng matinding selos."

Tulala lang si Sherwin at hindi nagsasalita.

Hindi kaya...

Guilty?

Pero pwede rin na hindi pa lang talaga siya nakaka-move on sa isiniwalat ng matalik niyang kaibagan kanina. 

"How about the two of you?" Baling ni Odin sa dalawa'ng babae. 

Naunang nagsalita si Nanami dahil hindi pa kaya ni Nicole, "Matalik kaming mag-kaibigan ni Lyshel. And no, wala akong kahit na ano'ng nararamdaman na negative feelings for her. At gaya nga ng sinabi ni Bryant, mabait si Lyshel. At wala rin akong alam na kaaway niya." Sagot niya. 

"H-hindi kami c-close ni Lyshel," humihikbing a ni Nicole. "S-sabi ko n-nga kanina, d-dormmate kami a-at doon lang kami nagkakausap k-kapag kasama ko na siya. Masinop siya sa gamit niya, h-hindi makalat, a-at never k-kaming nagtalo sa k-kahit na ano. Kaya, w-wala akong k-kahit na anong problema sa k-kanya," napatakip siya ng mukha at doon na humagulgol ulit siya ng iyak.  

Bumuntong hininga ang batang detective at may kung anong pinag-pipindot sa phone niya. pagkatapos noon ay iniharap niya ang screen sa kanila...

"Hmm, you four. If you really friend with the victim, you maybe have a hint what's this."

Tinititigan nilang apat ang hawak na phone ni Odin at napansin ko ang pagkunot ng mga noo nila, "DCSPYINX?" tanong ni Nanami.

"Yeah." Odin said in monotonous.

"Jumbled letter ba 'yan?" Humihikbing tanong ni Nicole. Pero halata mo ang kyuryosidad sa mga mata nito.

"Maybe?" sagot ulit ng batang detective.

"Tss, pinagloloko niyo ba talaga kami? Ano nama'ng kinalaman ng mga letra na 'yan sa kaso ng Girl Friend ko?!"

"Maybe this is a code...

...para malaman kung sino, paano at bakit siya pinatay?" nagbigay siya ng makahulugang tingin sa apat bago pinatay at ibinalik ang phone niya sa bulsa ng suot niyang pants.

"Wow code? Lalo ko tuloy namiss si Lyshel," mangiyak-ngiyak na namang sabi ni Nicole.

Code? Bakit naman?

Tila narinig niya ang tanong sa isip ko kaya nagsalita ulit siya.

"Napakahilig kasi'ng mag-solve ng code at cipher ni Lyshel. Tuwing nadadatnan ko siya diya," tinuro niya ang isa sa single sofa set nila. "Lagi siyang tutok sa pagbabasa ng Detective Fiction story. Minsan nga ay nakikita ko pa siyang may isinusulat na number at alien word na hindi ko maintindihan. Ang sabi niya sinusubukan niya rin daw mag-solve ng kaso--

"What story she always read?!" Nagulat kami sa biglaang pag-salita ni Odin.

"H-huh?" Si NIcole na natulala.

"What story?"

"A-ah... Detective Conan... Marami siyang collection sa--

"Excuse me..." Bigla niya kaming tinalikuran at pumasok sa isang kwarto si Odin ng walang sabi.

--------------------------------------------------------------


Ate mie: Sino na ang suspect niyo? NAbago ba? HAhaha let's closed this case. Spill your thoughts guys! :) :) :) May mga hint na.

Guys! like my page ang sali na rin kayo sa ATD Group, at maki-join sa GROUP CHAT namin. Add niyo ko then message if you wanna join.

DECODINGWhere stories live. Discover now