Chapter 1

9 4 0
                                    

AY!” muntik pa akong mapatalon sa gulat ng may bigla na lamang bumundol sa may balikat ko.

Ano ba—?!naiwan sa ere ang sanang sasabihin at ibubulyaw ko sana sa kanya ng humarap siya. May sinasabi siya pero parang may sariling pinto ang mga tenga ko't agad-agad itong nanaradohabang iwinawagayway sa harap niya ang kaniyang mga kamay na parang humihingi ng tawadpara mas mapagmasdan ko ang mukha niya, pero gaya ng dati ay malabo na naman ito.

Bumagsak ang balikat ko habang tinatanaw ko siya papalayo habang tumatakbo't hinahabol ng 'di ko mga kilala dahil likod lamang ang nakita ko sa kanila.

tatakbo na sana ‘ko para habulin rin siya nang

Pak, gisingPak!” ilang ulit ko pa iyong narinig bago ako napadilat at bumalikwas na mapaupo sa kama ko.

Napatingin ako kay Aala at napahawak naman siya magkabila kong balikat pagkabangon ko.

“You okay?” maagap na tanong niya.

'Di ako nagsalita. Pinakiramdaman ko ang sarili ko habang nagtataas-baba ang dibdib ko.

Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa magkabila niyang mata at nakita ko doon ang pag-aalala niya habang ilinalagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga dahil sa pagkagising ko.

Naibaba ko ang kamay niya na ikinagulat at ikipinagtaka naman niya at 'di na alam kung saan na niya ako hahawakan o hahawakan pa ba niya ako.

Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang dalawang kamay ko kung saan nakalugay ang lampas braso kong buhok habang itinataas-baba ko ito na para bang nalilito.

A-ano bang nangyayari sa ‘yo Akie?”

Napapikit ako dahil sa itinanong niya at dahil na rin sa naramdaman kong paghaplos niya sa likod ko.

Ilang sandaling namutawi ang katahimikan.

Makaraan ang ilan pang sandali ay inayos ko na ang paghinga ko't ang sarili ko.

Napabaling ako kay Aala. Nakita ko pa rin ang pag-aala niyang expression kaya naman ginawaran ko siya ng isang ngiti.

Baba na tayo?”

Buntong hininga lang ang isinagot niya sa 'kin habang ilinalagay na niya ang isang kamay sa hita niyang ipinanghaplos sa likod ko.

Mag-ayos ka na. Una na ako sa library.” sabay labas nito ng wala ng lingunan pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect Stranger (On-going)Where stories live. Discover now