CHAPTER TWELVE

1.8K 51 0
                                    

At JD Corporation, nasa cubicle lang si Reinne habang ang ibang katrabaho niya ay nasa cafeteria at ineenjoy ang fifteen minutes breaktime.

"Reinne, heto na..heto na yung resulta nung pag iimbestiga ni kuya Endrian." Wika ni Glacy, mabilis na itinago ni Reinne ang litratong kanina pa niya tinititigan nang marinig niya ang tinig na iyon ni Glacy.

Nakalapit na sa kanya ang kaibigan at hinila ang swivel chair na gamit ng katabi niyang cubicle.

Inilapag nito ang isang envelop sa kanyang desk table.

"Take a look, isiningit lang ni kuya sa trabaho niya ang pabor mo." Anito, nahiya naman siya.

"Naku, nakakahiya naman sa kanya, kailangan ko palang makabawi sa kanya." Aniya, tumawa ito.

"Sasamahan kita sa office nila kapag nagpasalamat ka sa kanya ng personal." Anito, tumango siya.

"Oo, salamat!" nakangiting sabi niya

"Wala yun, gusto ko lang din silayan yung boss ni kuya." Kinikilig na sabi nito, naiiling na siniko niya ito.

"Ano ka ba? Lagot ka kay Rico." Aniya, nanlaki naman ang mga mata nito

"Teka, paano mo nalaman na kami na ni Rico?" tanong nito, siya naman ang nanlaki ang mga mata

"Ano? Kayo na kaagad ni Rico?" gulat na tanong niya, natutop nito ang bibig.

"Ay! Ang daldal ko." Nakangiwing sabi nito, natawa naman siya

"Ang alam ko lang ay nagde-date kayo pero mukhang mas magandang balita pala ang narinig ko." Aniya, nakita niya ang pamumula ng pisngi nito.

"Mabait kasi si Rico, mapang asar lang pero ang saya niya palang kasama." Nagningning ang mga mata nito, napangiti siya

"Alam ko naman na magkakadevelop-an kayo dahil noong una palang ay halata ko ng may crush sa'yo si Rico." Aniya

"Oo nga Reinne, h'wag kang mag alala, mahal ko si Rico at crush ko lang yung boss ni kuya atsaka malabong mapansin ako nun, ang sungit kaya nun." Anito, natawa siya sa sinabi nito.

"Paano? Ibinigay ko lang yan sa'yo, magmemerienda lang kami ni Rico sa cafeteria, hinihintay na niya ako don." Paalam nito

"Okay, pakabusog kayo." aniya

Nang makaalis na ang kaibigan ay itinuon niya ang atensyon sa brown envelop na binigay nito sa kanya, saglit niya iyong tinitigan lang bago niya binuksan.

Sa dami ng babaeng nakalista na nanganak sa ob ward noon sa Carreon General Hospital twenty seven years ago ay lumiit ang bilang ng mga iyon, nagpatulong siya sa kuya ni Glacy na isang detective na i-sort at hanapin ang mga babaeng naroon sa listahan na hindi nakasama ang anak pagkaraang manganak ang mga ito. Natuwa siya ng makita niyang tatlo na lang ang mga pangalang natira sa listahan, maaari na niya iyong imbestigahang mag isa na hindi humihingi ng tulong sa iba, ano na lang bang gastusan niyang puntahan isa isa ang tatlong babaeng iyon at alamin kung sino ang nagmamay ari ng golden necklace, isa isa niya iyong binasa at natutok ang tingin niya sa huling pangalang nabasa niya, Claire Lumbres...

Nagulat siya nang tumunog ang cellphone niya, tumatawag ang kaibigan niyang si Matt.

"Reinne, akala ko hindi mo sasagutin ang tawag ko." Anito sa kabilang linya, ngumiti siya kahit hindi naman siya nito nakikita.

"Pwede ba naman iyon?" aniya

"Hindi mo na ako tinawagan, hinihintay ko ang tawag mo, hindi ba at ililibre mo ako ng pizza?" sabi pa nito, natapik niya ang noon g di oras, nakalimutan na niya ang bagay na iyon.

FLOWER BOYS HOST CLUB 2: XIEN, My Hunky MasterWhere stories live. Discover now