Gusto kitang kasama

8 0 0
                                    

When was the last time I heard this word?

Gusto kitang kasama

Parang wala pa sa taong ito
Pinipilit kong ungkatin bungkalin ang mga katagang napailalim baka sakaling matagpuan pa ng isip kong nababaliw.

Pero no jokes

Kahapon naalala ko ang eksena na kung saan nagmamadali ako kasi nga kailangan kong magpasukat at may taong nag aantay sa akin.

Yun nga lang nauna pa pala kame ng kasama ko sa tagpuan kaya naman dahil sa tindi ng sikat ng araw nairita sa pag aantay kasama ko at naglibot muna kami sa ibang lupalop ng quiapo.

Napadpad na kami kung saan saan kaya lang di matawaran ang sermon ng pagkabagot ng kasama ko.. kaya nung 1 1/2 oras na nagtext ako sa mga kakatagpuin ko at sakto andun na pala sila sa tagpuan.

Habang tinatahak namin ang daan pabalik sa tagpuan. Biglang may narinig ako na di ko nagustuhan

"kayo yung tipo ng babae na ayokong makasama"

Sa totoo lang di ko alam kung anong dapat kong maramdaman lalu na sa  pinakamahalagang tao sa buhay ko namutawi ang mga lintanyang yan.

Gusto kong manermon para sabihin hindi ako namilit na magpasama at kung anu-ano pang tumatakbo sa isipan ko na di magandang salita ngunit pinigil ko na lang.

Ang sa akin kasi tama na.. Ayokong makipagtalo.. Ayoko ng eskandalo o gumawa ng eksena sa daan..

Ang masasabi ko lang masakit

Sobrang sakit!

Yung tipong ang hirap kalimutan.

Pero wala akong makuhang matinong sagot.

Sabi nga nila ang tao pag sobrang saya at sobrang galit nakakapagsabi ng kung anu-ano na hindi iniisip ng mabuti pero sa pagkakataon kasi na mamutawi yun sa bibig nila ibig sabihin ayun ang mga salitang nakatago at may katotohanan na hindi masyadong naisasaboy sa kaibuturan ng kanilang puso.

Nilalaman ng KaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon