Chapter 19

12.8K 265 75
                                    


BEA

     

Marami na ang nangyari mula nung araw na nanuod kami ng game nila Jia. Nagtrabaho na ulit ako bilang doctor at si Jho naman ang pumalit sakin sa office.

 

 

Hindi naman ako manhid alam ko nag nagseselos si Jho. Pansin at naappreciate ko din yong mga little things na ginagawa niya for me.

 

 

Katulad na lang nung first day ko sa hospital. She woke up extra early too cook me breakfast. Pasimple lang din niyang hinanda ang damit na isusuot ko on that day.

 

 

Dahil gusto niya pa din daw akong makasama papuntang office, siya daw maghahatid sakin sa hospital. Hindi sana ako papayag pero nakita ko ang tiger look niya kaya hindi na ako nagsalita.

 

 

FLASHBACK

 

 

"Bilisan mo na jan maligo Beatriz at baka malate ka." Sabi niya pagkatapos niya akong katokin sa CR.

 

 

Paglabas ko ay naka handa na yung isusuot ko pati sapatos na. Isang pink na long sleeve polo, black na skinny pants at sneakers na black din.

 

 

Nagtaka naman ako kasi wala akong pink na damit. Napaka girly ng kulay. Kukuha na sana ako ng ibang pang itaas ng pumasok si Jho na tapos na maligo at nakabihis na din.

 

 

"Hindi ka pa bihis?" Inis na tanong niya sakin.

 

Nakapants at sports bra llang kasi ako.

 

 

Without waiting for me to answer kinuha niya yung pink na polo at pinasuot sakin.

 

 

"Eh Jho. Hindi naman to sakin eh. Hindi ako magsusuot ng pink."

 

 

"I bought that for you. Kaya sa ayaw at sa gusto mo isusuot mo yan." Sabi niya sakin gabang inaayos yung butones ng polo ko.

 

 

Napangiti naman ako at hinalikan ki siya sa forehead.

 

 

"Thank you Mrs. de Leon."

 

 

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at akmang hahalikan siya sa lips pero hinarang niya ang kamay niya at mahinang tinulak ang mukha ko.

 

 

"Ang dami mong alam. Halika na at kakain na tayo. " Hindi na niya ako hinantay a t bumaba na siya pero hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng mukha niya.

You (Jhobea)Where stories live. Discover now