Chapter 27

5.9K 217 46
                                    

Raven's POV

"Makaalis na nga at naabnoy na naman to si Shannon" bitbit ang maleta ay pabulong kong sabi at lumabas na ng kubong ilang araw ko din tinuluyan.

Pailing iling na lang ako habang tinatahak ang daan papunta sa kabilang kubo. Ang lakas talaga ng saltik sa utak ng babaeng yun. Matindi pa sa mga MR na batang nahawakan ko.

Nang makarating sa kubo, nadatnan ko ng nagkakainan na sila. Binati nila ako ng magandang umaga bago inayang mag almusal. Hinanap din nila yung mentally retarded este si Shannon. Sinabi ko na lang na nagbibihis pa pero pasunod na.

Naupo na ako sa mahabang bangko na gawa sa kawayan, ganun din yung lamesa. Inabutan naman ako ni manang plates kaya nag umpisa na din akong sumandok ng fried rice tapos may danggit. Nag umpisa na kong sumubo. Sinawsaw ko muna sa suka yung danggit bago kinain. Sarap, susulitin ko na kasi huling beses na makakain ako ng delicacies nila dito.

Napaka payak ng pamumuhay ng mga tao sa baryo Matabungkay pero ang sasaya nila. Nagkakaisa at may malasakit sa kapwa. Nakakalungkot lang lilisanin na namin ang kanilang lugar, pero buo sa loob ko ang pagbalik..

"Hi everyone! Good morning!" Naputol ang pag mumuni ko ng marinig ang tinig na yun, tumunghay ako mula sa pag kakayuko at para pang may sariling isip ang aking mata na tumingin sa kanya.

And there she is, low and behold, the ever so stunning without effort is Shannon standing in front of me. She was wearing a white loose shirt that says "Last clean shirt" on it and a simple pants and sneakers..

Dumako sya sa direksyon ko at nagtama ang aming paningin. Parang nahihipnotismo, nakatitig lang ako sa kanya. Kung anong bagal ng bawat hakbang nya palapit sa akin ay sya namang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Parang naririnig ko ang isang awitin na animo'y nililibak ako.

"What is this I'm feeling, I just can't explain. When you're near I'm just not the same,..I tried to hide it, tried not to show it, it's crazy. How could be??"

_________________________________________

"Please fasten your seatbelt, the plane is about to take off"...Yun na lang ang tanging narinig ko sa sinabi ng flight attendant.

Sakay na kami pabalik ng eroplano ngunit para pa ding lutang yung pakiramdam ko. Yung tibok ng puso ko parang mas domoble. Magkatabi kasi kami ng seats ni Shannon..

"What the hell is happening to me?" Mahinang bulong ko sa sarili. Magmula naman ng makilala ko si Shannon, at lalo na ng mag confess sya ng pagka gusto sa akin, nagagawa kong kontrolin yung emotions ko towards her, so anyare ngayon??

"Huh? You're saying something baby?" Si Shannon. Andun na naman yung mapanghibo yet malambing nyang tanong sakin.

"W-will you stop that?" Damn, do I really have to stammer?? Kanina naman paggising ko ok pa ko ah?! I clear my throat then in a small voice said "quit with the endearment will you?"

She lean in closer to me first before answering, "why should I? You're my girlfriend now so I can call you with whatever endearment I like"..

"What? Since when? How come na ikaw lang nakakaalam na girlfriend mo ko?"

"Since the day you told me that you love me too". Sagot nya at ngumiti ng pagkalapad lapad.

"So ano, ganun na lang yun? Basta mo na lang idedeklara na tayo na porket mahal din kita? Ni hindi mo nga ako nabigyan man lang kahit isang stem man lang ng bulaklak or ng love letter kahit sinulat sa scratch paper tapos ngayon tayo na agad? Wow! Ni hindi ko pa nga din sure kung talagang mahal mo ba ako or ginagawa mo lang libangan. Eh pano kung dumating tayo sa point na mas mahal na kita?? Ano, ako na naman ang masasaktan? Ako na naman ang maiiwang luhaan?? Hah! Diyan kayo magaling, ang gawin akong katuwaan at libangan. Anong akala nyo sakin Zirkoh sa Tomas Morato na source of your entertainment kaya pinupuntahan at pag tapos na maglibang iiwan na lang ng ganun ganun na lang?!" Mahabang lintanya ko.

"Whoa, whoa calm down. Unang una, hindi kita ginagawang libangan. You are my source of happiness to be exact. My reason to smile. Pangalawa, hindi ako nangti-trip lang about sa feelings ko sayo. Ilang ulit ko bang sabihin sayo na gusto kita? Pangatlong, oo pinag Zirkoh mo yung mundo ko. Lalo na yung puso ko. Dahil inibig kita ng totoo, so please Raven, believe me when I say I love you because I really do"...

For the first time, na speechless ako. Wala akong masabi kahit isang kataga, tanging nagawa ko lang ay kagatin yung maiksi ko ng kuko..

Nang tuluyang maabsorb ng utak ko yung mga sinabi nya, dun na nagsimulang mag unahan sa pag patak yung mga luha ko.

"Ssshh,. Don't cry, we're in a public plane. Baka isipin nila pinapaiyak kita", she wiped my tears and hold me in her arms..

God it feels so good. Being in her arms felt so darn good. The moment she hugged me feels like I am finally home after wandering around..

"Shannon"...

"Yes my queen?"

"If you hurt me I swear, lahat ng part ng katawan mo may latay". Banta ko sa kanya..

She chuckled, "noted"..then kisses my forehead...





The End.....





I/N

Kalma mga mortal, joke lang yung the end hahaha..thanks for waiting.. enjoy reading my lousy update :-P


It Started With A LieWhere stories live. Discover now