one shot

8 0 0
                                    

Katabi ko lang ang kabaong ni Gab. Habang yakap yakap ko naman ang litrato nya.

Masaya sya sa picture na ito. Naalala ko pa nga na ako yung kumuha nito sa kanya. Ibang iba sa itsura nya ngayon, wala ng buhay.

Naiiyak na naman ako!

_ _ _ _ _

After ng burol at libing ni Gab.

Hindi ko na alam kung saan pa ang tungo ng buhay ko.

Imbis na umuwi ay dinala ako kung saan ng sarili kong mga paa.

Hindi ko alam kung saan.

Wala na akong alam.

Basta ang pumapasok lang sa isip ko ay wala na akong rason pa para mabuhay.

* * * * * ** *

Audrey's POV

Kapatid ako ni ate Gab at nakakalungkot lang talaga na wala na sya.

Si kuya Breine naman, nagbago na.

Parang hindi na sya yung kuya Breine na nakilala ko.

Yung dating masayahin, malakas, yung akala mo walang problema.

Ngayon, hindi na sya kumakain, hindi na sya natutulog, at palaging umiiyak.

Parang nauulit nanaman yung nangyare kay ate Gab.

Ang kaibahan nga lang. Si kuya palagi nyang kinakausap si Ate Gab na animoy nakikita nya talaga ito.

Palagi nya ring sinasabi na andito lang si ate Gab, na nakausap nya ito.

Natatakot ako sa maaaring maging kalagayan ni kuya.

Hindi na namin maitsurahan si kuya, butot balat, lubog na ang mga mata, pati paliligo ayaw na nyang gawin.

Napagpasyahan ni mama na ipasok si kuya sa mental hospital dahil halos 3 buwan na syang ganun. Hindi narin kami halos makapasok sa kwarto nya o kahit makalapit sa kanya dahil hindi na namin masikmura ang amoy nya.

Nakakatakot ang itsura nya, malago na ang balbas at bogote, mahaba na ang buhok at mga kuko nito.

Naaawa ako kay kuya kaya naman pinilit ko si mama na wag syang ipasok sa mental pero paulit ulit lang lagi ang sagot nya.

"Anak! Para rin ito sa kuya mo"

"Pero mama! Baka nadedepressed lang si kuya kaya sya nagkakaganyan! Alam naman natin kung gaano nya kamahal si ate Gab diba!?"

Pinipigilan kong magtaas ng boses kay mama. Pero mukhang nabigo ako.

"Alam nating lahat yan Audrey pero malala na ang kuya mo!"

"WALA KA NA BANG PUSO MAMA!"

at isang malakas na sampal ang natamo ko mula kay mama.

Napatigil nalang kami ng makita namin si kuya Breine na bihis na bihis.

Bagong ligo, mabango, maayos ang buhok, nakapag ahit ng balbas at bigote ata maayos din ang sout.

Imbis na magalit ako kay mama ay nauna ang kuryosidad ko kung ano ang nangyare kay kuya.

"Hindi pa ba tayo aalis" sinabi nya iyon habang nakatingin sa malayo.

Sinamaan ko lang ng tingin si mama.

Hindi ko alam ang nangyare kay kuya, bakit sya sumama ng kusa!? Ano bang nangyayare.

Okay na ba sya? Bakit ganun na yung itsura nya? Pero kung okay na sya bakit kailangan pa nyang pumunta sa mental.

Ako yata ang mababaliw kaiisip!

Till Death, Do Us PartWhere stories live. Discover now