[2] Maliliit na Bagay

4.8K 188 111
                                    

2.       Mga Babaeng Hindi Appreciative

Ang korni talaga ng mga koreanovelas, pero dahil yun ang gusto mong panuorin, sige tara. Ibibili pa kita ng popcorn.

Maaga naman talaga uwian ko. Marami pa kong assignments at gagawin sa bahay, but don’t worry, hihintayin kita kahit 9pm pa ang awas mo, para maihatid kita. Ayoko kasing umuwi kang mag-isa, baka pagtripan ka ng mga tambay sa kanto.

Sobrang bigat ng bag ko, pero ayos lang kahit dalawang bag ang dalhin ko para hindi ka mahirapan. Kahit pink pa yan at magmukha akong bakla, ok lang.

Nakakangawit maghawak ng payong, pero ok lang, wag ka lang mabasa. Kahit nababasa na ko, basta mapayungan ka ng maayos, ok na din ako. Kahit alam kong mahal magkasakit, wag lang magkasakit ang mahal ko.

Naaalala mo ba tuwing kakain tayo sa mcdo at hinhingi mo yung balat ng fried chicken ko? Oo, naglalaway ako sa balat ng fried chicken, pero binibigay ko sayo.

Kapag antok na antok kana, sumasandal ka sa balikat ko hanggang sa makatulog ka. Sobrang sweet, kaya lang minsan wala ng dugong dumadaloy sa kamay ko dahil naipit mo. Pero di ko magawang magreklamo at gisingin ka.

I even skip meals at school to save money and lie to my parents to give me bigger allowance just to give you flowers and chocolates every time we have date.

                                                     

Ito ang ilan sa mga maliliit na bagay at sakripisyo namin para sa inyong mga babae na minsan parang binabalewala nyo lang.

Ang dali para sa inyo na sumbatan kami lalo na kapag nagagalit kayo sa amin. Kung tutuusin, madali lang naman para sa amin na sabihing, “hindi mo naman ako pinapahalagahan” pero madalas hindi naman talaga ganun.

Madalas kasi yung mga malalaking bagay lang ang nakikita nyong mga babae.

Kapag nakakalimutan namin ang monthsary, or kapag na-late kami sa date, o kapag hindi namin kayo nasundo o naihatid sa school. Madaling mapansin ang mga pagkakamali namin, pero sana pansinin nyo din yung maliliit na na bagay na ginagawa namin mapasaya lang kayo.

Darating din ang araw na mamimiss nyo ang “little things” na ito kapag nawala kami.

30 Things We Hate About GirlsWhere stories live. Discover now