"Chapter 7"

1.9K 74 0
                                    

"Nadine's pov"
Nandito kaming tatlo sa dining habang kumakain. Ngayon na ang start ng klase rito kaya maaga kaming nagising tatlo. Wanna know kung anong nangyari kahapon? I flashback mo nga author.

(Ms.A- kkkk)

Flashback:
Bumangon na ako sa kama para kumain bahala sila diyan mamatay sila kakatawa tsk. Pagkadating ko sa kusina ay agad kong nilantakan yung mga pagkain sa lamesa.
"Huy! Tiran mo naman kami!" Sabi ni Loraine. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kong kumain dinala ko yung pinagkainan ko sa lababo para mahugasan. Pagkatapos ay dumiretso ako sa living room para manood ng t.v.
"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhu Nadine sorry na!!!! Hindi kasi namin alam kung paano ka gigisingin eh!!! Sorry na please!" Sabi ni Jasmin. Tsk sumunod pala tong mga to.
"Huhu oo nga, kaya Nadine sorry na please forgive na us please?!" Ani naman ni Loraine. Hindi ko na lang sila pinansin pero panay parin ang pagsabi ng sorry nila sakin kaya wala ako nagawa kung di sabihing okay lang. Nung una hindi sila naniniwala pero tinanong ko sila kung gusto nilang mag bago yung isip ko pero mabilis din silang umiling.

End of flashback:

Tapos na kaming kumain kaya lumabas na kami sa dorm. Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami, or should i say sakin sila nakatingin? Problema nila? Hayss bahala sila diyan. Hindi ko naman alam kung saan yung room namin kaya nagpahatak na lang ako sakanila kasi ang sabi nila parehas daw kami ng schedule kaya ganon. Huminto na sila kaya napatingin ako sa kanila and it hits me, nandito na siguro kami. Pumasok sila kaya pumasok rin ako. Tiningnan na naman ako ng mga kaklase namin, kapag ba transferee dapat pinagtitinginan ano ako superstar tsk. Naghanap na lang ako ng pwedeng upuan dahil hindi ako pwedeng tumabi sa kanila kasi meron na silang katabi at nasa front row rin sila. Naghintay lang kami sandali para sa pagdating ng teacher namin, sabi nila Loraine mistress daw ang tawag sa mga babaeng nagtuturo dito at sa lalaki naman daw ay mister. Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang teacher namin.

"Enchanted Academy"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon