Damdaming tila bulong
Kailan kaya maririnig
Pagtibok ng aking puso'y dulot at malakas na ugong
Ngunit bakit tila hindi mo batid , into ba'y hindi mo dinig?Nais kong ipagsigawang mahal kita
Ngunit isang tanong ang humahadlang sa nais ko
Bumibilis rin ba ang tibok ng 'yong puso tuwing tayo'y nagkikita?
Nais kong malaman kung mahal mo rin akoNgunit kahit hindi mo ako sagutin ay batid ko ay iyong magiging kasagutan
Ang pungay ng 'yong mata'y kakakaiba tuwing ika'y kanyang lalapitan
Ang tamis ng 'yong ngiti'y di tulad ng nguting sinasalubong mo sa kanya
Di ko na kailangang ipabatid pa pagkat alam kong walang magbabago, hindi ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/122333332-288-k919923.jpg)