?

10 5 0
                                    

Kilig,
Nang ikay masilayan
Ako'y iyong napaibig.

Hindi sapat ang silay,
Kaya't gumawa ng paraan
Kahit magkanda pilay.

Sa isang segundo
Tayo ay nagkausap,
At tumigil sa pag-ikot ang aking mundo.

Tayo ay nagkamabutihan
At hindi nagtagal
Lumalim ang nararamdaman.

Nararamdaman ko.
Dama mo?
E, sayo?

Anong nararamdaman mo?

Ilang daang umaga.
Ilang daang hapon.
Ilang daang gabi.

Paulit-ulit na tinatanong
Ikaw kaya,
Anong meron ka para sa'kin?

Pareho ba tayo?
Nagkakaintindihan na ba tayo?
Pwede na ba tayo?

Hanggang sa dumating ang punto,
Sawa nang maghintay ng sagot
Sa mga tanong na ikaw lang ang makakasagot.

Kaya't ako'y magtatanong.
Bakit ang nararamdaman mo
Kilos pagong?

Hindi ako nagmamadali,
Pero hindi na ako mapakali.
Dahil,

Ako hulog na hulog na,
Ikaw malayo pa sa bangin.

Ako lunod na lunod na,
Ikaw nasa mababaw pa rin.

Ako umaasa na,
Pero ikaw yata
Masaya na sa iba.

Sa iba,
Sa iba.

Sa kaniya,
Hindi sa'kin.

Pero ako,
Sayo.
Sayo lang.

Masyado ba akong mabilis?
Masyado ba akong tanga?
Masyado ba akong seryoso?

Mga bagay na hindi ko napansin?
Mga bagay na hindi ko namalayan?
Mga bagay na hindi ko nakita?

Ganoon ba ako kabilis,
At hindi ko napansin
Kung kailan ako lilihis?

Ganoon ba ako katanga,
At hindi ko namalayan
Malapit na pala ako sa banga?

Ganoon ba ako kaseryoso,
At hindi ko nakita
Mukha na pala akong gago?

O sadyang ako'y tumakbo,
At ika'y naglakad.

Tinakbo ko lahat,
Ikaw hindi ko sigurado
Kung alam mo ba lahat.

O sadyang mabagal ka
Sa pag-alam
Na pareho tayo ng nararamdaman.

Una pa lang alam ko na.
Ikaw,
Kailan mo sisimulan mangapa?

O sadyang ako lang talaga,
Ang nag-iisip
Na para tayo sa isa't isa.

Ako lang talaga.
Ako lang mag-isa.
Dahil hinayaan mo akong mag-isa.

Akala ko sasabay ka.
Akala ko sabay tayo.
Pero ako lang pala sa huli.

Ako lang.

?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon