Kabanata 9: Paalala

4 0 0
                                    

**9** 

Tahimik lang na naglalakad si Angela sa covered path walk ng kanilang skwelahan. Si Gelo naman ay nasa likod lang at akmang gugulatin si Angela ng.. 

"Kung ano man ang binabalak mo tumigil ka dyan!" Napakamot naman si Gelo sa batok niya at bahagyang napangiti 

"May mata ka ba sa batok?"Pabirong tanong niya. Sinagot naman ito ni Angela ng isang tanong na malayo sa sinabi ni Gelo 

"Ano bang kailangan mo sa akin?" 

Napakunot noo naman si Gelo at bahagyang humakbang papalapit kay Angela. Wala man lang mabakas na emosyon sa mukha ni Angla, maliban sa tono ng pananalita nito na halatang galit. 

"Wala, Wala talaga."Sabi ni Gelo na umiiling pa 

Tumalikod na rin si Angela at humakbang na paalis pero... 

"Ikaw, may kailangan ka sa akin!"Nakangiting sabi ni Gelo. Muling lumingon si Angela at halatang irritable na talaga 

"Di ba, Ako na ang Anghel na tagabantay mo?"Sabi ni Gelo na bahagyang itinaas ang dalawang kamay 

"Ano bang natira mo? Bad boy ka lang ba o Adik o pareho? Mas malala, baka may sayad ka na!"Sabi ni Angela at muling tumalikod 

"Hooy! Sandali nga! Wala kang galang magsalita ah! Mas matanda ako sa'yo kaya wag ka namang bastos!"Sabi naman ni Gelo. Huminga ng malalim si Angela at muling hinarap si Gelo 

"Pasensya na PO ha? Pwede na PO ba akong umalis?"Seryosong sabi ni Angela at tuloyan ng umalis 

Napakibit balikat naman si Gelo at bahagyang napangiti tapos muling sumigaw. 

"Hooy! Ngumiti ka naman kahit minsan!" Pero hindi na siya muling nilingon ni Angela.

Anghel Sa LupaWhere stories live. Discover now