Chapter 8: New Beginnings

174 6 0
                                    

AN: Sorry po talaga sa napakalate na update >.< babawi nalang po kami sa susunod na mga chapters. Sana po magustuhan n'yo :)

------------------------------------------

<Charlie's POV>

"So, ngayong meron na tayong head chef, kailangan pa nating dagdagan," sabi ni Jannica. Siya ang pasimuno nang "meeting" na ito, imbis na may free time kami. Anak ng, wala pa ngang isang linggo nang tinanggap namin si Kellan tapos ito?? Eh 'di siya na ang responsable.

"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Zyrhia.

Napabuntong hininga nalang ako at napalingon naman silang lahat sa akin. "Anong tinitingin n'yo dyan?"

"Uy, kelan ka pa naging masungit 'pag may gwapong nilalang sa harapan mo?" pang-aasar ni Zyrhia.

Nagbuntong hininga nanaman ako. Mga stupid. "Eh kasi naman, ang obvious lang nang topic ninyo noh?"

"Punyeta ka eh, ang galing mo naman pala eh, ikaw na nga!" inis na sagot ni Jannica.

"Eh kasi, free time natin ngayon tas may meeting pa kayong nalalaman. Apat na araw pa lang nang tinggap natin si Kellan! Dios ko!"

"Bitch please, kung gusto mong umalis sa cheap old place na ito, magtino ka!"

Eh, ba't ngayon mo pa naisipang magmeeting? "Wow, that sounds mighty rich coming from you." At this point, nakatayo na ako at tinitigan nang masama si Jannica. I don't give a damn about what she thinks.

"Bitches, please! Shut the fvck up and let's start the damned meeting!" sigaw ni Lucia kaya napalingon kaming lahat sa kanya. Eh kasi naman, kanina pa 'yan tahimik at bigla lang sumigaw. Duh. "Now, Kellan," sabi niya sabay tingin kay Kellan na may malanding ngiti sa mga labi niya, anak ng!, "may mga kilala ka pa bang ibang chef dito sa Cebu?"

Si Kellan naman, halatang naninibago sa pakikipag-usap naming apat. FabGirls eh. He cleared his throat and said, "Umm, well I--"

"No," sabi ko at napatingin na naman sila sa 'kin. "No. If we're going to bring La Bella back into the scene, we need to use a great amount of money for food, not chefs. Since Kellan's here as our head chef, we need a sous chef, two station chefs who can specialize being a saucier, poissonnier, grillardin, entremetier, rôtisseur, garde manger, pâtissier, boucher--"

Tinakpan ni Lisa ang bibig ko. Aba walang hiya 'tong hampas lupang ito!! "Hinay hinay lang po, nakaka-nosebleed eh."

"Tumahimik ka! At 'wag na 'wag mong gawin ulit 'yon," iniripan ko si Lisa. Hindi naman ako ganito ka salbahe. Ewan ko lang talaga anong nakain ko ngayon at ganito ako ka high blood.

"Wow, sa ubod nang kalandian mo, nakalimutan ko ring nag-aral ka pala sa France at food lover ka," sabat ni Zyrhia sabay smirk pa sakin.

"Sabi nga nila, the way to a man's heart is through his stomach. Share naman nang landi secrets mo, Charles," sabi naman ni Lucia. Aba, sumabay pa talaga siya.

"Tantanan niyo nga ako!" Tengene, ang kulit nang mga hampas lupa. Kung kilala kong mga 'to, at talagang kilala ko sila, naiinggit lang 'yan sa dami nang mga lalaking humahabol sa 'kin. Eh, marami naman kasi ang humahabol sa kanila. Pero ang susungit lang talaga. Play girl nga ako, pero hindi naman ako pumapatol sa mga ugly people, noh? Pa smile-smile lang nang konti, hi-hello din. All I do is tease men, and when I find the right catch, I bite. Wait--ba't ito ang iniisip ko? Aish.

"Impressive," mahinang sagot ni Jannica. Nako, bitter si ate, haha. "Pero 'di ba't sabi mo mag-iinvest tayo sa food? Eh, ba't puro mga chef yang sinasabi mo? Get to the point, Charlie." Ge, bitter eh. Pagbigyan nalang.

Stay Classy (editing)Where stories live. Discover now