Ika-Lima

279 35 6
                                    

"3 years ago?!" Bulalas naming lahat.

"Oo, kung di nga ako nagkakamali matagal na kayong hinahanap ng mga pamilya niyo", sabi ni Rose.

Tinignan ko ang mga taong iyon, mukha naman silang hindi nawala o ano. Maayos ang kanilang mga damit. Mukha nga silang chill at relax lang eh. I mean, for someone na nawawala na for three years dapat stressedt na sila at mukha din silang healthy.

"3 years? Ganun na ba kami katagal na nawawala?", sarkastiko niyang sagot.


Tumayo siya at lumapit kay Rose. Tinapat niya ang mukha niya kay Rose. At tumawa ng pagkalakas lakas agad namang inilayo ni Rose and kanyang mukha.

"Na-ba-baliw ka na ba?", takot na sagot ni Rose.

Habang tumatawa ang lalaking iyon ay may kinuha siya sa kanyang likod. Isang mahaba na itak. Nagulat kaming lahat sa linabas niyang sandata. Pumorma siya na parang tatagain niya si Rose.

"Takot ka no?", natatawang sabi nung lalaking iyon.

"Ako nga pala si Alexander Carl. AC na lang. Pasensiya na kung nagulat ka. Ganun lang talaga ako mangamusta ng mga tao"

Itinago na niya ang itak niya. Nakahinga kami ng maluwag sa inasal ni AC. Akala ko dadanak ang dugo.

"Diyos miyo! Muntik na kong himatayin doon. Akala ko mamamatay na ako" at pabirong pinaghahampas ni aleng Rose si AC.

"Pasensiya na talaga. Ganun lang talaga kami. Katulad nga ng sinabi ko kami nga ay mga hikers. Pero hindi ko alam na 3 years na pala kaming nawawala."

"Pero dito na kami nanatili. May mga prutas, pagkain, tubig. Mabubuhay ka na dito"

"Ibig bang sabihin, dito na kayo nanatili simula nung 3 years na iyon? Hindi niyo na ba hinanap ang malapit na siyudad?", tanong ni Maine, ang tapang talaga ng girlfriend ko. Na-inlove tuloy ako lalo. Haaaaay..

"Sinubukan na namin yan. Naghanap kami. Ilang buwan kaming naghanap pero wala talaga. Kaya dito nalang kami.", mahinang sagot ni Ross.

Halata sa boses niya ang pagkabigo. Bigla kong naisip na subukan ulit na maghanap pero natatakot ako. Para bang may pumipigil sa akin.

"Mahal, may problema ba?"

"Ha-a? Wala"

"Alam kong may problema ka, ano pang silbi ng pagigjng girlfriend mo kung di mo sasabihin sa akin kung anumang bumabagabag sa'yo? Halata sa mukha mong may problema ka."

Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon pero tuwing bubuksan ko ang bibig ko kusang umuurong ang dila ko. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay sa sabihin ko.

Alam kong nag-aalala na sa akin si Maine, sa lahat siya lang ang lubos na nakakakilala sa akin at sa aking sikreto. Kaya alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi.

Kaya para hindi na niya ako kulitin pa. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at lumapit sa mukha niya para ibulong ang mga katagang:

"Mahaaaaal, natatae ako."

Ang Dyip Where stories live. Discover now