Part 18: Friend?

39 3 0
                                    

Ria's POV

"RIAAAAA!!"

Sigaw ni Charice habang papalapit sa amin ni Jenelle. Napatingin sa akin si Jenelle ng parang nagtataka kung bakit parang feeling close ang babaeng papalapit sa amin ngayon.

"Teka siya yung babaeng may ice cre-" Pinutol ko ang saglit na realization ni Jenelle dahil malapit na sa amin si Charice.

"Hi Ria! Halika dali! Sama ka sa akin! Daliii!!" Sabi niya sabay hila ng kamay ko pero bago pa niya ako kaladkarin buti nandiyan si Jenelle para suwayin siya.

"Wait lang ate ha. Una, saan mo siya dadalhin? Pangalawa, kilalanin mo muna ako. Pangatlo, who are you?" Sabi ni Jenelle habamg hawak hawak ang kabila kong kamay.

"Ohh, sorry. I'm Charice Valdes nga pala, and kung gusto mong sumama let's go. Plus, who are you din po?" Sagot ni Charice. Hindi ko alam pero parang may hindi ako gusto sa tono ng pananalita niya ehh.

"Jenelle. And I'm coming with you." Naka poker face na sagot ni Jenelle. Parang nakikita ko ang kuya niya sa kanya kapag ganyan siya, ay teka they're twins nga pala. Hayss..

"What are we waiting for? Let's go na!" Sabi ni Charice. Parang wala lang ako dito ahh, tss...

"U-uyy t-teka! May class pa ako-" Pagpigil ko sa kanya nang maalala ko ang dalawang class ko pa mamaya. Jeez, makaka-experience na ba ako ng cutting?!

"Wala yan!! Let's gooo!" Sigaw ni Charice habang hinihila ako at sumusunod naman si Jenelle.

Damn, yung bag ko naiwan ko pa dun sa block. Hays, wala naman sanang mangialam.

****

Kenzo's POV

"Sum and difference: (a + b)(a - b) = a2 - b2....." The prof lectured.

Argh! Ang boring! This is freaking easy! Piece of cake, those dumb people tss..

"While the binomial...." The prof said. Nakakaboring! Nakakabwisit!

Napatigil ako sa pagrereklamo sa isipan ko nang makita ko ang isang bag sa may upuan sa bintana banda na kulay rainbow dahil sa paint na halatang binuhos ng kung sino man at tinatapunan ng ibang estudyante ng mga basura at papel nila.

Tss.. yan na yon? Yun lang kaya nila? Kung ako susunugin ko yon. Hays, ang weak. Stupid.

"Okay, that's all for today. Class dismissed." Sabi ng prof at lumabas na sinundan din ng mga nagmamadaling estudyante.

Patayo na ako nang mapansin ko na naman yong bag na pininturahan. Para akong baliw, bakit ako naglalakad papunta don?

"Kanino ba 'to?" Tanong ko sa sarili. Nagulat ako sa sarili ko ng bigla kong kinuha at tiningnan yung keychain niya na may nakasulat. Bakit ba ako nangingialam dito?

'Ria Taylor <3'

Nagulat nalang ako nang nasa labas na ako bitbit ang bag niyang may pintura.

Anong nangyayari sa akin?

Ako pa ba 'to?

Jenelle's POV

"Try this Ria!" Sabi ng FC girl nato habang tinutulak yung plate nyang may cake papunta kay ate Ria.

"Ahh, okay na ako C-Charice. T-thank you pero k-kaylangan na nating bumalik." Pagpipilit ulit ni ate Ria.

"Mamaya na, nageenjoy pa tayo ohh." Sagot ulit niya. Hays, yan din sabi niya kanina kahit na ang reality ay siya lang ang nageenjoy habang kami iniisip ang reputation namin sa school.

"Uhm, excuse me. Magc-cr lang ako." Sabi ni ate Ria at umalis. Awkward silence.

"Jenelle right?" Nagulat ako sa pagiba ng tono ng boses nya.

"Yes-" Hindi pa ako nakatapos sa pagsasalita nang

"You know you're not supposed to be here." Wait, what? Tumingin lang ako sa kanya ng parang nagtataka. Ano bang sinasabe ng babaeng to?

"Argh. Sino ka ba? 'Bat nandito ka? Panira ka lang naman sa mga plano ko ehh. Tss." Pagmamaldita niya.

"Ako? Ako yung 'kaibigan' ni ate Ria in fact bestfriends kami, bakit ikaw sino ka ba?" Ganti ko sa kanya. Inemphasize ko pa talaga yung word na 'kaibigan' which is totoo naman.

"Wait. P-plans?" Kunot noong tanong ko.

"Tsk." Tanging sagot niya at nagiiling-iling habang naka smirk pa. Tss..

Sakto namang dumating bigla si ate Ria, hays yayayain ko nang umalis si ate Ria baka kasi biglang mawala yung ulo ng babaeng kaharap ko dahil sakin. Tsk tsk tsk.

"Ohh Ria! There you are!" Biglang bago ulit ng tono niya. Hays plastik!

"S-sorry kung natagalan ako ng konti." Sabi ni ate Ria. Hays kung alam lang niya kung anong nangyari nung wala siya.

"It's okay Ria. Nako, wag ka ngang magsorry sorry jan." Pabait baitan niyang sabi, tss..

Dahan dahan kong sinisiko si ate Ria sa tagiliran niya para yayain na siyang umalis.

"Bakit Jen?" Tanong niya sa akin.

"Ate Ria.. Halika na, alis na tayo dito." Bulong ko sa kanya sabay tingin kay Charice.

"Ha? Bakit? May problema ba?" Pagmamaang maangan ni Charice, tss naka ngiti pa siya.

"Ate Ria, hindi mo siya pwedeng maging kaibigan. Layuan na natin siy-"

"Jenelle ikaw ba yan? Ang bait bait sa atin ni Charice pero bakit ganyan ang pagtrato mo sa kanya?" Naka kunot noong sabi ni ate Ria. At si Charice naman may patakip takip pa ng bibig na kala mo nagulat. Tss...

"Ate Ria, may sinabi siya kanina-" Hindi pa ako nakakatapos at pinutol na kaagad ni ate Ria ang sasabihin ko.

"Jenelle wag ka namang ganyan. Kaibigan parin naman kita pero sumosobra ka na ehh." Ngayon noo ko naman ang napakunot.

Ako? Ako ba kamo? Ang sumosobra? Baliktad yata. Ang sakit naman non. Napaka unfair.

Tumayo nalang ako at tumingin kay Charice na naka smile. Ang saya niya ha.

"Sige, mauuna na ako." Sambit ko at umalis na sa table namin. Pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, lumingon ulit ako sa kanila...

Nakatingin lang sila sa akin. Si ate Ria naka kunot lang ang noo habang si Charice pangiti ngiti lang at ang ikinagulat ko ay nang dumila siya sabay taas ng kamay na naka-loser sign.

Pinagpalit ako ni ate Ria don?

Nice.

To Be Continued...

Sorry slow updates.. TT_TT

I lost my inspiration. Tinakbuhan ako...

Naexpire na si inspiration.. T_T

Mian.. :(

Byeeeii!

I Fell in love with my enemy!? (IFILWME Book 1)Where stories live. Discover now