Kabanata II

1.5K 72 9
                                    

Hello to @tenhkirbelle @Mixxy_18 @moveshokage235@atheena_Smith Tenk you for reading the first kabanata of this story ^^, salamat. This part is for you peeps.  ❤❤❤

ENJOY!   ❤❤❤

--------------------------------



'Hindi tayo maghihiwalay. Iniwan man tayo ng ating mga magulang, hangga't nandyan ka sa tabi ko, walang makakapanakit sa iyo, Ruth.'


'Salamat, Reca.'


Bigla nalang nag-iba ang hitsura ng kakambal ko at parang hinihila patungo sa hukay at umiiyak.


'Tulungan mo ako! Tulong!' walang humpay na sigaw nya na ngayon ay napupuno na ng dugo ang mukha. Hindi ako makagalaw.


'Ahhhhh..." matinis na tinig nito ang umalingawngaw.


Pawis na pawis at hinihingal na napabalikwas ako ng bangon. Pagkatingin ko sa orasan sa gilid ay nakita ko na eksaktong alas tres na ng madaling araw. Naisipan kong bumangon upang kumuha ng tubig kaya nagpunta ako ng kusina. Agad kung kinuha ang baso at sinahuran ito ng tubig na malamig at naupo sa upuan sa kainan.


Nanghihingi ng tulong ang kapatid ko. Gusto niya ng hustisya.


Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at bahagyang napahikbi.


"Ang kapatid ko..." garalgal kong sabi. "Kawawa ang kapatid ko. Hindi nya dapat sinapit iyon. Napakabait ng kapatid ko na iyon." At hindi ko na mapigilan ang mag-iyak at mapahawak sa puso. Parang pinipiga sa sakit. Namimiss ko na siya. Kami na nga lang dalawa ang magkasama, kinuha pa siya. Ang masakit sa isang napakawalang hustisyang paraan.


Hindi na ako nakabalik pa sa pagtulog hanggang mag ala sais na kaya bumangon na lamang ako at naghanda para sa pagpasok pero bago pa man iyon ay lumabas na muna ako ng bahay at nakitang napakadumi na niyon. Hindi na nawawalisan. Si Reca kasi ang tagapagalis habang ako ang naghahanda ng makakain namin.


Napabuntong hiningang tinungo ko ang lalagyan ng walis sa likod ng bahay para ako na ang gumawa ng gawain niya pero pagdating ko sa palaging pinaglalagyan ay wala iyon doon saka nakarinig ako ng parang may nagwawalis.


Nagtataka man ay iwinaksi ko nalang iyon na isiping baka ang kapitbahay namin na sina Manang Edna ang nagwawalis at baka wala dito ang walis siguro ay nakalimutan lang itabi dito ni Reca noong nabubuhay pa ito. Pabalik na ako sa loob ng bahay ng makita kong napadaan si Manang Edna sa harap ng aming bahay.


'Tapos na siguro siyang magwalis.' Naisip ko.


"Magandang umaga ho, Manang Edna." Nakangiting bati ko dito. Agad naman siyang napatingin sa akin.


"Magandang umaga din sayo, Reca."


Natawa nalang ako sa tinuran niya dahil dati pa man ay nalilito na siya sa amin ng kakambal ko.

Breath VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon