Ch.29 Together ♥

1.4K 18 0
                                    

NAGISING kami dahil sa iyak ni Hannah. Nasa gitna namin siya.

Tinignan ko si Hannah at hinipo kung basa na yung diaper niya pero kasi kakapalit lang namin ni Tony kanina ng diaper niya. He even insisted to do it.

May pupu na rin kasi. Medyo napapakunot yung ilong niya dahil sa amoy na ikinakatawa ko nalang. Ganyan din kasi ako eh. Kahit namam yata sino gaganun dahil sa amoy.

But he'll be a good father.

Pagkahipo ko, hindi naman basa.

"Papalitan ba natin Jassy?"

Tumawa ako habang nailing. "Gutom lang siguro siya."

Kumuha ako ng wipes at pinahidan ko yung mga daliri ko. Tapos yung parang buto ng pointing finger ko, nilagay ko dun sa bibig niya. Sabi na. Sinuck niya eh. Gutom nga siya.

"Tony labas ka muna."

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"Papa-dedehin ko lang si Hannah."

Umawang ang labi niya. "Seriously Jassy? Mag-asawa tayo. May anak na nga tayo eh. Besides, makikita ko rin naman ulit yan."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. "Anthony!" singhal ko sa kaniya.

Tumawa lang siya. "Sige na. Iyak na ng iyak ang baby natin oh."

Binuksan ko nalang ang butones ng blouse ko. Alangan namang mag-inarte pa 'ko eh nagugutom na si Hannah.

"Woah." sabi niya nang makita niya yung ano.

Inirapan ko lang siya at binuhat ko na si Hannah at sinunggaban yung pagkain niya.

"Kaya pala ang laki."

"Pervert!" sabi ko sa kaniya.

"Pwede bang ako din?" tanong niya.

Gusto kong tanungin kung sigurado siya kaso baka magbago ang isip.

"Sure. O eto. Dito ka sa kabila." nilabas ko yung kabila.

"S-sigurado ka?"

"Ayaw mo ba?" tanong ko. Pinipigilan ko yung tawa ko.

"Anong nakain mo Jas?" hindi siya makapaniwala.

"Wala. Ayaw mo yata eh. H'wag nalang." itatago ko na sana kunwari pero pinigilan niya yung kamay ko.

"Hindi ka ba nakikiliti?"

"Nung una. Pero nasanay na rin ako."

Tuwang tuwa siyang pumwesto. Gusto ko nang tumawa ngayon pa lang pero todo todo ang pagpipigil ko.

Sinubo niya na. Akala ko sisipsipin niya na pero hinalikan niya muna ng hinalikan.

"T-tony, nakikiliti ako."

"Ginagawa ko sayo 'to dati, ba't nakikiliti ka?" tuloy pa rin siya.

"Hindi na kasi ako sanay. Baka maistorbo si Hannah. Mamaya mo na ituloy yang kahalayan mo."

Shit. Napatingin siya sa 'kin agad. "Mamaya? Mamaya, promise yan ah?"

Ba't ko ba sinabi yun? Nakikiliti kasi ako na ewan eh. Pleasure. Matagal na rin yun. More than a year na since may nangyari samin kaya dahil lang sa ginawa niya, I'm more pleasured. Na-miss ko kasi. O--kay? I'm being horny here. Si Tony kasi eh!

Naramdaman ko nalang na parang sinipsip niya na. Hinihintay ko yung reaction niya.

Napahagalpak ako ng tawa nang nagmamadali siyang pumasok ng banyo. Pinigilan kong tumawa ng malakas saka gumalaw ng todo kasi baka umiyak si Hannah. Ang sakit sa tiyan magpigil ng tawa!

The One That Got Away [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon