Part 16

255K 3.8K 133
                                    



"BABAE pala 'yung assistant ng farm manager mo?" sabi ni Macy kay Neo nang makaalis sa opisina nila si Lynne.

Assistant general manager daw siya ni Neo, pero ang trabaho niya naman ay mag-asikaso ng mga papeles sa opisina ng mushroom farm. May ipinatayo roon si Neo na dalawang palapag na building. Nasa ibaba ang lab, storage at breakroom ng mga trabahador. Sa second story naman ang opisina at suite na tinutuluyan ni Neo. Ayun dito ay doon ito naglalagi at halos once a week na lamang kung umuwi sa bahay nito.

Nagulat si Macy nang una siyang makarating sa mushroom farm. Hindi niya inakalang bongga pala ang business ni Neo, ilang malalaking greenhouses ang naroroon. Malaki ang production at sobrang laki ng tinutubo ng farm dahil sa mga regular buyer niyon. No wonder, hayahay na lamang ang buhay ng kanyang Papa. Puwedeng hayahay rin naman siya sana dahil malaki ang return of investment niya sa farm, kaso nabu-boring siyang hindi nagtatrabaho.

Maganda rin ang opisina nila ng lalaki. Napakaluwang ng airconditioned room, may sala set sa gitna. May maliit na fridge, water dispenser at coffeemaker din doon; may sarili din silang restroom.

"Ano na pala'ng nangyari kay Darius?" Si Darius ay isang agriculturist na nakakatandang kapatid ni Lynne. Classmate at kaibigan ito ni Neo sa college.

"Nakiusap ang seed company na pinagtatrabahuan niya na huwag muna siyang umalis hangga't wala silang nahahanap na kapalit niya. By next week siguro ay nandito na siya. 'Di bale, maaasahan naman si Lynne. She can also help you here in the office."

"How old is she again? Kaka-graduate lang niya ng agricultural technology sa college, 'di ba?"

"She's twenty-four, I think. Hindi siya nag-aral agad ng college dahil mas pinili niyang magtrabaho muna noon."

Tumango-tango si Macy. "Ah. Maganda siya, ha? Sexy din. Single pa siya?"

"Yes, she is." Nag-drum ang mga daliri ni Neo sa kanyang mesa. "May problema ba, Macy?" pagkuwa'y tanong nito nang natahimik siya

"Problema?" Kumunot ang noo niya. "Ano namang magiging problema ko?"

"Parang may undertone kasi ang pananalita mo," panghuhuli pa ng lalaki.

Tumawa siya. "Undertone talaga? I was just thinking if maybe she's your type."

Ito naman ang kumunot ang noo. "And?"

"Wala sa nabasa kong rules ng farm na bawal mag-date ng employee ang boss."

"I don't wanna date her, Macy."

Humalukipkip siya. "Ay, oo nga pala. Meron ka nga palang idi-date na taga-ATI. Kamusta na 'yun? Kelan ka babalik ng Manila?"

Naging diskumpiyado ang tingin sa kanya ni Neo.

Nagpakakaswal naman si Macy, pasimpleng nagkibit ng mga balikat. "Kasi, okay na itong farm. Matututukan mo na ang personal life mo."

He rested both of his arms on the table and leaned towards her. "I'm doing just fine. Don't worry about my personal life, okay?" seryosong sabi nito sa kanya.

"O-okay." Tumikhim siya nang hindi pa umaalis ang lalaki sa kanyang mesa. "S-sige na, Neo. Itse-check ko pa pala 'yung sales record from last week."

"Bakit parang natataranta ka kapag lumalapit ako sa iyo?"

Dumiretso siya ng upo. "H-hindi, ah!"

Kasi naman. Hindi niya aakalain na magiging awkward na ang lahat sa pagitan nila ni Neo pagkatapos ng isang gabing maulan na iyon. Ilang beses niya kayang pini-play sa kanyang utak ang mga maiinit na eksenang pinagsaluhan nila ng lalaking ito. Hirap na siyang mag-relax, hirap na siyang mawalan ng malisya. Medyo iba pa noong pagkatapos ng unang karanasan niya rito, dumaan naman kasi ang mahigit isang buwan bago sila nagkita uli nito. Pero 'yung huling may mangyari sa kanila ay noong nakaraang linggo lang. Saka ibang-iba 'yung gabing iyon kesa sa unang pagsi-sex nila. They were both relaxed and super horny. They were being playful and kinky. Masisisi ba niya ang sarili kung hindi pa siya nakaka-recover? Dapat yata hindi muna siya nagpakita kay Neo, hindi muna siya pumasok sa trabaho sa farm.

GET NAKED (Hubaderos Book 1: Neo) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now