38th MIBF(September 17, 2017)

785 24 7
                                    

First time kong mag-MIBF. And it was all worth it. 'Yung puyat. Hirap. At pagod. Bawing bawi.

Una, sabi nila 16-17 daw nasa MIBF si kuya, e di masaya. 17 kasi ako pwede, may pasok ng 16. Pero bago mag-MIBF, 16 lang pala schedule ni kuya. Paano na? 'Yung I.D ko nasa kaniya. Hindi ko na makikita si kuya, hindi ko pa makukuha ang I.D.

Pero mabait ang Diyos. Tinanong ko si kuya, pupunta daw siya libot nga lang. Then noong nasa byahe na ako pa-Pasay sabi niya makukuha ko raw ang I.D ko. Meaning makikita ko si kuya Cris! Pumayag din siyang pumirma ng libro.

Eto na, lunch na.. Wala akong kasama, buti nakakita ng kapwa PLayer. And the game begins. Charot. Haha. Hinanap namin si kuya since kain daw muna kami. Nasa Jollibee daw siya, naka-tatlong balik kami pero wala siya. 'Yun pala magkaibang Jollibee ang sinasabi niya at iniikot namin.

Sabi niya punta na siyang SMX, deh dun namin siya pinuntahan. Nasa PSICOM booth daw siya pero wala naman. Nagstay pa kami doon, until makita ko siya. Eto na, noong una walang nakakapansin kay kuya, tapos may nag-abot ng survey form kapalit Pepero. Kumuha kami noong magsusulat na si kuya, may mga nagpapicture na tapos nagkagulo na sila. E di sabi ko kay kuya sa labas na lang kami kasi nahihirapan na rin 'yung staff ng PSICOM kasi nagulo ang pila. Ayos lang naman kasi kay kuya magpa-picture kaso ang gulo na. Sabi sa'min ilabas na namin si kuya. Deh inaya ko na siya sabi ko, "Kuya tara na po ayan na sila." Pero sabi ni kuya, "'Yung Pepero." HAHAHAHAHA! Jusme. Lumabas kami dala-dala 'yung form hanggang Seaside!

Tapos ayun, hanap ng kakainan pero punuan 💔 kaya nauwi kami sa Krispy Kreme. Hindi na kami nakapag-rice kawawa si kuya pagod na itsura. Nagsign lang siya ng maraming books doon tapos 'yun, uwian na kami haha.

Wala man kaming picture together nakayakap ko naman siya. Sulit 'yung sakit ng paa ko.

Kuya, kung mababasa mo man 'to, sobrang maraming salamat talaga sa'yo. Mahal ka namin!

#Ibarra2017

The Meet-Up (AkoSiIbarra and the PLayers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon