Vandary's POV
Kanina pa ako dito sa labas ng room ng crush ko. Hinihintay ko silang lumabas. Gusto ko kasi masilayan ang matamis na ngiti niya, mga mata niyang tumitingkad. Lahat ng ginagawa niya gusto ko makita. Hays.
Ayan na! Ayan na! Lalabas na sila! Makikita ko na ulit siya kyaaaaah! Ang gwapo niya! Ang manly niya gumalaw bat ganon?! Huhu nakakainlove siya.
"Dre, kailan mo ba balak ligawan si Athena?"
"Oo nga dre, matagal mo na siyang gusto pero di ka man lang gumagawa ng paraan para maging kayo." Sabi ng mga barkada niya.
May gusto na pala si kuya Grayson. Pero okay lang, hahangaan ko na lang siya ng palihim.
"Si Athena? Di ko na siya gusto. Matagal ko na siyang di gusto." sabi ni kuya Grayson. Ang nagiisang nagpapatibok sa puso ko.
"Woah! May iba ka na bang gusto?" tanong ni kuya Renz, isa sa mga barkada ni kuya Grayson. Siya ang Pinaka-makulit at Pinaka-madaldal sa kanilang lahat.
"Oo" maikling sagot ni kuya Grayson.
"Sino kaya yan?" tanong ni kuya Lucas. Ang playboy sa kanilang lahat, pero mabait yan.
"Basta." yun na lang ang sinabi ni kuya Grayson bago sila umalis.
May gusto na palang iba si kuya Grayson. Sino kaya yun? Ang swerte naman niya.
