1

9 4 0
                                    

Isa

Dalawa

Tatlo





Sa tatlong taong pakikibaka sa kolehiyo

Madami na akong pinagdaanan


Bumagsak


Nangopya


Nag cutting class


Nag puyat


Nagka eye bugs


Except sa pagkakaroon ng boyfriend


Sa lahat ng pinagdaanan kong 'to


Isa sa pinaka masasayang parte ang hindi ko makakalimutan ditto


Mga panahong tawanan lang ang lahat


Na kahit may exam


O quiz man, di alintana sapagkat


Dama ng isa't isa ang presensya


Kay sarap pala ng gantong parte ng pagiging isang estudyante


Yung alam mong maraming problema sa bahay


Ngunit pagdating dito'y walang bakas ng lukot ang makikita sa mukha mo


Kundi ang isang napakalapad na sugat ng iyong mga ngiti


Ngiting nagkukubli hindi lang

Isa


Dalawa


O tatlo


Kundi napakaraming emosyong kung aalamin mo'y


Mapapatanong ka na lamang nang "kaibigan ko ba talaga ang masayahing ito?"


Mga larawan ng kahapong nakapinta sa puso


Mga sakit


Hinagpis


Poot


Lahat nag ipon, na pilit ikinukubli ng saying nararamdaman ngayon


Sa mga kaibigang ngiti ay hatid


May lugar pa ba ang mga pighati?


Siguro sa iila'y masyadong mais pakinggan


Ngunit san nga ba ako nagkulang?


Sa pagmamahal sa magulang?


Kaklase?


Mga kaibigan?


Mga guro?


O baka kinulang ako ssa aking sarili?


Mas masakit isiping mas pinapahalagan mo pa ang ibang tao kesa sa iyo mismo


Dahil isa na sa naging prinsipyo ko

"walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"



Masyadong nasobrahan yata ang inyong lelang


Ngunit, datapwat


Ang lahat ng nararamdaman ay pawang lilipas lamang


Ngunit ang mga alaala'y mananatiling nakaimprinta


sa utak


puso


at


sa kaluluwa


maaaring magdala ulit ito ng sakit


poot


galit


at


di masukat na saya


basta ang alam ko sa susunod


ay wag ng sosobra


baka makalimutan ko sa sarili kong


kailangan ko ding umiyak pagkatapos tumawa


magmukmok kapag natapos ang saya


at maging matatag kapag iniwan ka nan g mga taong


akala mo'y masasandalan ngunit, sila pang unang sumira


sumira ng pagkakaibigang akala mo'y panghabang buhay na

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Studyante BluesWhere stories live. Discover now