KABANATA 3

258K 6.6K 735
                                    

Chocolates.

"NAKU naman, Friendship, napaka-wrong timing naman ng pagkakasisante mo." Malungkot na iniabot ni Donna ang pasalubong nitong banana cue sa kanya. Umalis siya sa kanilang bahay sa parehas na oras na pumapasok siya dapat sa trabaho para hindi magtaka si Don Martin. Ayaw niyang ipaalam dito na natanggal siya sa trabaho.

Pinili niyang manatili na lang sa park para hindi na kailangang mamasahe para lang makalayo. Hindi naman siguro siya makikita pa ni Monroe doon dahil may hindi naman umaapak yon sa mga ganitong lugar.

"Hahanap na lang ako ulit, Donna." As if she had any choice.

"Oo naman. Pupwede ka namang maghanap ng iba pero hindi kasing laki ng sinasahod mo sa club." Ngumuso pa ang kaibigan at binigyan siya ng naawang tingin.

"Sana hindi ko na lang pala sinampal.."

"Naku, okay lang yun, Friendship! Kung feeling mo nabastos ka, ipaglaban mo! Support kita diyan!"

Mabigat siyang bumuntong hininga. "Ayun na nga eh. Nasampal ko siya kasi nasaktan ako. Nasaktan ako kasi nagsasabi siya ng totoo. Nahulaan niya agad ang pakay ko."

"Pakay? Anong pakay?" Tumayo si Donna mula sa kinauupuang puno at hinarap siya. "Anong pakay?"

"Na gusto ko siyang maging boyfriend." Kaswal niyang sagot na ikinalaki ng mata ng kaibigan.

"Bruha ka! Boyfriend agad?! Hindi ka man lang talaga nagpaka-dalagang Pilipina!"

Kumagat siya sa kanyang banana cue. The sweet and tangy taste of semi-hot banana brings back her childhood memories in Siargao. Sa likod ng isip niya ay tumutugtog ang 'Turn Back Time'.

"Idea mo kaya yun." Sumimangot siyang muli. Kung hindi naman sinabi ni Donna sa kanya na maghanap ng abogadong boyfriend, hindi naman sana niya papatusin yung masungit na abogadong yun. Tila ito mapanganib na hayop kung makatingin at nakakatakot iyon para sa kanya.

"Nahalata niya agad na kailangan ko siya kasi magpapatulong ako sa kaso ni Don Martin. Ganon pala katalino ang mga abogado?"

"Ay hindi rin. Kita kasi sa mga mata mo kapag may iniisip kang hindi maganda. Masyado ka kasing inosente. Hindi mo kami maloloko."

Nagsalubong ang kilay niya. "G-ganon ba? Siguro dapat pag-aralan kong hindi mahalata."

"Friendship, hindi ka lang talaga ipinanganak na masama. Kaya kapag meron kang crush, wag kang tingin ng tingin, masyado kang obvious."

"H-hindi naman ah."

"Oy, hindi raw. Hindi ba crush mo din si Vince?" Tukoy nito sa Chef ng Hide-out, siya ang pinag-papantasyahan ng lahat ng waitress sa Hide-out dahil matangkad ito, mabait at magaling mag-luto. Hindi na niya babanggitin na talagang may itsura ito kung ihahambing sa may mga itsura ding waiters ng Hide-out. Mabilis siyang umiling kahit na nag-init agad ang kanyang pisngi.

"Kaibigan ko si Chef Vince. Saka mabait lang siya sa akin."

"Di ba yung mga mababait sayo, yun ang gusto mo? Hay, Noelle, naging malupit kasi sayo ang mundo. Wag kang mag-alala, ang mga may mabuting puso daw, sinuswerte."

"Swerte ba to?" Mas lalo lang siyang nanlumo. Kapag nalaman ni Monroe na hindi siya nagtatrabaho, titindi lang ang inis nito sa kanya.

"Cheer up, sigurado ako na makakahanap---"

Hindi naituloy ng kanyang kaibigan ang sasabihin ng eksaheradong tumunog ang cellphone nito sa saliw na Crazy For You ni Madonna. Mabilis nitong itinapat sa tainga ang cellphone nito.

Hush Series 1: Vagabond's Creed (Published by LIB Bare)Where stories live. Discover now