Envelope #1

58 5 0
                                    

A/N: You can join to know Angela in this detective-ish type of game. Saka nga pala, mahaba ito, ah? I'm warning you.

Her first reason is in the multimedia. Who is she? Find out~

=•~•~•~•~•~•=

Dahil sa curiosity ni Angela, itinabi niya ang sulat at ipinasok sa envelope na may sulat na #0 at nilapag uli sa lamesa. Kinuha naman niya ang isa pang envelope na may sulat na #1 at pinunit ang dulo nito. Kinuha niya ang papel na nasa loob at binasa.

Bet
Enjoy
Saf
Time

Focus
Righteous
Intelligent
Extrovert
Nerd
Delicious

You may see it as it is,
think not justtwice 'cuz
it's not what you think.

There is a map on every envelope. If you're reading this then I assume you're already confused with the letters.
Take the map, it will guide you.

Good luck, Angela.

Wala siyang maintindihan sa mga nakasulat. Hindi niya malaman kung ano ang natututunan niya rito o kung meron nga ba siyang matututunan. Hindi niya maintindihan. Ano ba'ng meron sa mga nakasulat na ito? Hindi niya alam. Dahil dito, nasasabik siyang alamin.

Kinuha niya ang mapa na nasa loob ng envelope na may sulat na #1 at tinignan niya ito. Binuklat niya para masuri. Mapa ito ng isang paaralan at may mga tuldok at pulang linya.

Tinupi niya ang mapa at ipinasok muli sa loob ng envelope. Bitbit ang lahat ng envelope ay nagpunta siya sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag. Pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay ni-lock niya ito. Malay niya na bigla nalang dumating ang kanyang ama at piliting makipag-usap sa kanya.

****

Pagkapasok ni Danger sa inuupahang apartment ay halata sa kanya ang pagkagulat na makita ang kanyang boss na naka-upo sa isang upuan na para sa hapag-kainan at nakaharap ito sa kanya. Hindi na nagtaka pa si Danger kung paano nakapasok ang boss niya sa kanyang apartment. Hindi niya pinahalata ang pagka-ilang at pumasok na sa loob. Umupo rin siya sa isang upuan na para sa hapag-kainan at kumuha ng tubig para sa kanya at para rin sa boss niya.

"I just wanna tell you that if you failed to do your task within one week.. you know what will happen." paalala ng boss niya bago siya iwan.

May tiwala si Danger kay Angela na magagawa niya itong alamin, at alam niya rin na mabibilisan lang siya na tuklasan kung sino ang pinapahiwatig sa mga sinulat niya. Naalala niya kung paano niya hinagilap ang mga taong dati at kasalukuyang konektado kay Angela, at ang una niyang nakilala ay si Arithea Cruz nang siya ay maupo sa sofa.

****


Arithea Cruz, kilala rin bilang Thea. Mas matanda si Arithea kay Angela at maganda ang kanilang pagsasama pero dahil sa kalagayan nila ay iniwan siya ni Angela. Mayaman, maganda, matalino, iyan ang description kay Angela ngunit kay Arithea ay nerd, madaldal, palaging tama, at dahil sa katangian nilang dalawa ay napapahamak si Angela dahil kay Arithea. Dahil doon, hindi na sila muling nagkausap.

TEN ENVELOPES [Slowly being  translated into English] • [On-Hold]Where stories live. Discover now