Kabanata 8
Ehdrey's Point of View
Nagulat ako nang makita ko si Darren na natutulog dito sa upuan sa tabi ko nang magising ako ngayon 4:30 na ng umaga. Dito na pala siya nakatulog kaka-comfort niya sa akin kagabi.
Minabuti kong kumuha ng kumot at saka ko 'yon binalot sa kanya. Sandali pa akong napatingin sa kanya tapos napangiti ako.
"Salamat sa comfort mo sa akin kagabi, Darren," sambit ko.
Hindi ko na siya ginising.
Dahan-dahan na akong lumabas ng bahay nila dahil gusto ko nang umuwi. Gusto kong makapag-usap kaming dalawa ni Zyren para malutas 'yong problema naming dalawa.
Sophia's Point of View
Nagising ako nang biglang umalingangaw 'yong cell phone ni Darren. Kinuha ko ito na nasa lamesa sa tabi ng ulunan namin pero hindi ko 'yon sinagot.
Nagtaka ako nang wala siya rito sa tabi ko.
"Beb?" tawag ko. Baka kasi nasa c.r siya.
Nang humakbang ako pababa sa kama bigla nalang kumirot 'yong paa ko.
"Ah!" napahawak ako rito. Naalala kong natapilok nga pala ako kagabi.
Pinilit kong ilakad ang isa ko pang paa. Nakakalakad pa naman ako."Beb?" Pinuntahan ko siya sa c.r pero wala siya.
Nang maalala kong nakatulog na nga pala akong mag-isa kagabi kakahintay sa kanya dahil ang tagal nilang nag-usap ni Ehdrey doon sa kabilang kuwarto.
Minabuti ko siyang puntahan do'n. Nakita ko siyang natutulog sa upuan pero wala na si Ehdrey sa kama. Nilapitan ko siya. Nakita kong may kumot na nakabalot sa kanya. Tinignan ko ang c.r. wala na nga si Ehdrey dito baka umuwi na.
"Beb..." Ginising ko si Darren.
"Oh, beb," turan niya nang magising. "Nasaan si Ehdrey?" bungad niyang tanong sa akin pero hindi ko nagustuhan 'yon.
Nagkibit-balikat lang ako. "Dito ka natulog?" nakataas kong kilay na tanong sa kanya.
Tumingin naman siya sa paligid ng kuwarto. Inaalam niya siguro kung kuwarto namin ito. "Ah, gano'n na nga," walang malay niyang sabi.
Padabog kong iniabot sa kanya 'yong cell phone niya. "Tumatawag sa 'yo si Ehdrey."
"Bakit daw?" tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ulit ako. "Malay ko," pabalang kong sagot.
Pagbukas niya ng cell phone niya may binasa siya ro'n na isang text message. "Beb, kailangan daw ng tulong ni Ehdrey!" bulalas niya. Nagmadali siyang tumayo.
"Sandali, Beb!" pigil ko sa kanya nang akma siyang lalabas ng kuwarto. "Saan ka pupunta?" nagtataka kong tanong."Sa bahay nina Zyren," sagot niya.
Nilapitan ko siya. "Beb, baka puwedeng 'wag na tayong makialam sa problema nila?"
Hinarap niya ako. "Beb, malaki ang atraso ko sa kanila. Ako 'yong dahilan kung bakit nag-away sina Zyren at Ehdrey."
Naguguluhan ko siyang sinundan patungo sa kuwarto namin. "Anong ibig mong sabihin? Anong kinalaman mo ro'n?"
"Ipapaliwanag ko sa 'yo sa kotse kung sasama ka sa akin. Kailangan ko ring makausap si Zyren kaya halika na. Umalis na tayo."*****
Ilang minuto rin ang itinagal ng byahe namin papunta kina Ehdrey. Malapit-lapit na kami sa bahay nila.
Alam ko na rin kung ano 'yong tinutukoy sa akin ni Darren kanina na may kinalaman daw siya sa away nung mag-asawa.
Bakit ba naman kasi sinabi pa niya kay Ehdrey kung ano 'yong pinagmumulan ng ikinagagalit ni Zyren kay Ehdrey. Usapang lalaki naman kasi talaga 'yon at private na nila 'yon.
Hihingi na rin ako ng pasensiya kay Zyren sa ginawa ni Darren kaya kailangan ko talagang sumama.
"Nandito na tayo," sabi ni Darren kaya bumaba na kami ng kotse.
Binungad naman ako ng yakap ni Ehdrey nang makita niya ako.

YOU ARE READING
I'm Destined with the Chick Magnet King (Book 1)
Romance(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners while Zyren and Ehdrey Mae are married. They all are best friends. Pero sabi nga, hindi laging happy ang Ending. Paano nalang kung sirain ng...