Chapter 18: Father's and Son's

411 24 0
                                    

A/n: 

Medyo magulo talaga siya aaminin ko pero gagalingan ko na lang sa editing hahaha 

enjoy!

NAPALINGON si Jeffry sa may arena nang makarinig siya ng malakas ng pagsabog. Pasimple niyang binigyan ng spell ang caster, ito na ang pinaka huli sa sampung wizards na nagpakawala ng barrier.

Sa totoo lang kinakabahan siya para kay Eden pero naroroon si Mavi at Gavin para protektahan ito kaya kahit papaano ay kampante siya. Pero... napatutok ang mata niya sa dalawang kalaban na nasa harap lang ng mga ito. .. hindi siya kampante na may mga ganitong tao sa harapan niya.

Baka mamaya rin ay kailangan na niyang pumagitna sa mga ito at linisin ang mga basura sa harap niya. Pakiramdam nniya ay may tinatago pa ang mga ito na alas kaya hanggga't maari ay kailangan niyang malaman kung ano 'yon.

Matapos ang ginawa niya ay binalikan niya ang kinauupuan kanina. Sa pagkakagrilled ng upuan niya mas minabuti na lang niyang umupo sa maayos pang upuan ni Castor.

Gusto niyang makita kung mayroon ngang ibubuga ang si Gideon at ang lalaking kasama nito.

NAGTITIMPI si Eden habang nakatingin sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong galit sukdulang siya ang kumitil sa buhay ni Gideon.

Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi nito, lalo pa sa sinasabi nit okay Gavin. Hindi niya maimagine kung gaanong paghihirap ang dinaanan ni Gavin sa mga kamay ng ama.

Bakit nga ba hinid niya iyon napansin noon? Nakakahiyang itinuturing niyang kaibigan si Gavin pero 'ni minsan hindi man niya nagawang alamin ang kalagayan nito.

Naikuyom niya ang mga palad, lalaban siya hindi siya makakapayag na makuha ni Gideon ang gusto nito.

"Wala kang mapapala sa mga ginagawa mo Gideon. Sa huli oras na mawala ang barrier na 'to wala kang laban sa mga sundalo ng reyna." Aniya.

"May isa pa kong alas na itinatago alas, Eden. Huwag ka masyadong magmadali." Nakakalokong saad nito.

Sinamaan niya ito ng tingin kung kailangan nilang labanan ang isang S class wizard gagawin niya para hindi na ito makapanggulo pa.

"Hinding-hindi naman hahayaan na mapunta sa'yo ang trono!" inalalayan niya si Mavi na makatayo.

"Sino ang karapat-dapat? Ikaw? Nagpapatawa ka masyado Maverick kailan man ay hindi ka pinili ng tungkod ng kapangyarihan kaya kahit ano rin ang iyong gawin hindi ikaw ang tagapagmana."

"Hindi man ako meron pang mas karapat-dapat sa trono."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito anong ibig nitong sabihin? May iba pa ba itong kamag-anak? Pero sa pagkakaalam niya ay wala na itong iba pang kamag-anak maliban kay Queen Medea dahil matagal nang namatay ang buong pamilya Mifiel nang minsang atakihin ang palasyo at inubos ang lahi ng royal family.

Hindi kaya...

"Wag mong sabihin kagagawan mo rin kung bakit nangyari ang trahedya." Aniya.

Ngumisi ito, nag-igtingan ang kalamnan niya kahit na hindi ito magsalita ay nakuha niya ang sagot na hinahanap siya.

"Ikaw!" agad na nagpakawala si Mavi ng malakas na spell pero madali lang nitongn na-counter 'yon sa pamamagitan ng dark spell.

Maging si Gideon ay marunong gumamit ng black magic, paanong sa loob ng maraming taon ay hindi man lang napansin ng reyna ang tunay na kulay ng isa sa mga taga-payo nito?

A Wicked PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon