Chapter 25: Fight back

10.3K 429 96
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo on Twitter.

Shout out to the guy who tweeted that ^ !!!

Thankyou so much, sobrang happy ako sa tweet mo! I didn't include your username for your privacy! Thankyou ulit!

And thankyou readers and to those people who added The Signs to their reading list! Guys thankyou talaga! Let's interact more!

Proverbs 3:5-6!!!

--

Walang nakapag salita agad saamin. Lahat ay natigilan at napapasulyap kay Luke na ngayon ay may halo halong emosyon sakanyang mukha.

Maski ako ay walang maisagot.

I thought that they will not touch our home. I thought that the Castra is off limits for them but I guess I was wrong. Kung dito nga sa loob ng S.U ay kaya nilang sirain ang kahit ano sa kahit kailan nilang gusto.

Ang Castra pa kaya? Lalo na't alam nila ngayon na kami na ang may hawak sa pinamahan ng Miracle stone na si Luke, I'm sure na gagawin nila ang lahat para lang mawala kami sa landas nila.

"We will not back down." Napa angat kami ng tingin kay Cooper. Ngayon ko lang napansin na medyo namumutla ito siguro ay dahil sa usok kanina.

"What do you mean Chief?" Si Sunny.

Umabante si Chief at mataman kaming tinitignan lahat.

Nag tama ang aming mga mata at nag tagal ang kanyang titig saakin, ako na ang nag iwas ng tingin, hindi matagalan ang hindi mapangalanang ekspresyon sakanyang mga mata.

I heard him sighed.

"Araw nalang ang bibilangin natin para matigil na sina Darhk." Bahagya akong nagulat sa tuloy tuloy nitong pag tatagalog. Hindi lang siguro ako sanay. "First, we need to make sure the safety of these people before we leave and surrender the stone." Aniya.

"That's a good plan bro. But how?" Sagot naman ni Ansley. Tumayo ito ng tuwid at pinag krus ang kanyang mga braso sakanyang dibdib.

"We'll take down the Virgos." Seryosong ani nito. Nagkatinginan kaming lahat, nag apir pa sina Myron at Ansley at kitang kita ko sa maamong mukha ni Sunny ang kagustuhan sa sinabi ni Chief at handa na itong lumaban.

Nagka tinginan kami ni Maxeen, nagkibit balikat ito at nginisian ako, I mirrored her gesture at napayuko.

"Settled then. I'll deliver the plan to Castra right away. Good luck." Ngisi ni Cloud saamin at agad nang lumabas ng dorm.

Malalim akong napa buntong hininga.

Finally, it's time for our team to fight back.

Eksaktong dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyare ang trahedya noong Sports fest.

I've been observant to the people around me, the first day was all about what happened that day pero ang sumunod na araw ay naging normal naman na ulit ang paligid.

Ang iba't ibang estudyante ay may kanya kanyang pinagkaka abalahan, some are doing their usual routines, and our section's back to bullying.

"Kumanta ka ng Baby shark sa harap." Napairap ako sa inuutos ni Zyron sa isa naming nerdy classmate.

Naiiyak namang nag angat ng tingin ang kaklase naming iyon at unti unting tumayo sakanyang inuupuan.

"Bilis!" Zyron screamed. Napailing nalang ako.

This kind of person, na nangbubully at nananakit ng kapwa both physically and emotionally, para saakin sila ang tunay na mga duwag. They're using violence para matawag lang silang matapang or whatsoever.

The Signs (COMPLETED)Where stories live. Discover now