CHAPTER ♥ : DATE - PART 1
***
Kasalukuyan kaming nasa Mall ngayon dahil ayaw ako iuwi ng mga ugok na 'to.
"San mo gusto kumain, princess?" Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Actually napapalibutan na kami ng mga babae eh. Sumilip ako sa likod namin at nakita kong nakabuntot na sa'min ang ilang mga babae.
Napabuntong-hininga ako. Anong trip naman 'to ng mga babae at kung makasunod naman sila sa'min eh kala mo namang alipin.
Hmm. Pero pwede na silang alipin. *smirk*.
"Hoy, anung ngiti 'yan ha? Sabihin mo, kinikilig ka sa'kin 'no?" agad namang nawala ang ngiti ko. "Kahit kelan talaga napaka assumero mo Andrew!" Tumawa na lamang siya.
"Oy oy! Pumupuntos ka kay Drianna ah!" Inakbayan ni Code si Andrew. "Naman. Hindi naman pwedeng tumunganga nalang ako diba?"
"Ah ganon.." kinutusan naman ni Code si Andrew. Para silang mga ewan na nagbubugbugan. I just can't help but smile-- nakakatuwa kasi sila tignan.
'Di tulad ng mga ngiti ng babaeng 'to, puno ng pagnanasa at pang-aakit ang ngiti.
Napansin ko namang kanina pa tahimik si Heron. Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Uy.." kinulbit ko siya.
"Mmm." Eh? 'Yun lang ang sagot niya sa'kin?
"Huyyy!" Kinuha ko 'yung kamay niya at hinihila siya. Tuloy-tuloy lang kasi siya sa paglalakad eh.
"Oh bakit? May gusto ka bang puntahan? Bilhin? Nagugutom ka na ba? Kailangan mo ba gumamit ng ladies' room?" Sunud-sunod na tanong niya sa'kin.
Umiling lamang ako. "Hmm? O?"
"Galit ka ba? Kasi naman, 'di ka na madalas umimik diyan. May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa'kin." Uy, hindi ako plastic ha. Totoo 'to. Nag-aalala ako. Syempre somewhat childhood friend ko eh. Tapos matino naman siya, di katulad ng apat na 'yon.
Ngumiti lang siya sa'kin at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko. "Hindi ako galit sa'yo. At wala naman akong problema eh." Weh. Alam kong nagsisinungaling ka.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Alam kong nagsisinungaling ka. Pero kung ayaw mo talaga sabihin sa'kin, okay lang. 'Di kita pipilitin." Ngumiti ako sa kanya para sabihing okay lang sa'kin na 'di siya magsabi.
"Salamat." He whispered. Niyakap niya ako. Heh. Sabi na't may problema nga 'to. I hugged him back.
"Aba aba aba! Naglambingan na kayong dalawa diyan ah!" Singit ni Mikee. "Ulul!" Tatawa-tawa naman si Heron.
"Ah.. Nagugutom na 'ko.." Mahinang utas ni Nathan pero sapat na para marinig ko. "Tara, kain!" I smiled at him. Nakita ko namang tumango siya at yumuko. Eh??
"Guys! Kain na tayo!" Tawag ko sa kanila. "San tayo?"
Tumingin ako sandali kay Nathan. Ah! "Sa Shakeys tayo." tumango lamang sila at nagsimula ng maglakad. Sumulyap ako kay Nathan at kinindatan ito. He mouthed 'thank you'.
Okay, bad idea ata na nag-shakeys kami.
Nagkukumpulan na ang mga babae sa seat namin at medyo nabobother na rin ako. "Ano ba naman 'yan.." nayayamot kong sabi. Natawa na lamang si Code at Mikee. "Pabayaan mo na. Hayaan mo silang tumitig sa nakakainlove naming mga mukha." Napasimangot ako lalo sa sinabi ni Code. Tumawa na lamang si Mikee.
"Hi Sir! May I have your orders?" Napansin ko namang ngiti-ngiti si Ateng waitress. Nung hindi nakatingin sa kanya 'tong mga 'to, inayos-ayos niya pa 'yung buhok niya pagkatapos ay ngumiti pa. Tinaasan ko siya ng kilay. Ng mapatingin siya sa gawi ko ay agad nawala ang ngiti niya.
"Ang landi mo." ngiti-ngiti kong sabi sa kanya na halatang kinainis niya. "Mas malandi ka.." I laughed. "Ang sabihin mo, pinagnanasaan mo lang 'tong mga manliligaw ko at naiinsecure ka sa'kin." Medyo nagulat naman siya sa sinabi ko.
"W-weh! As if naman na liligawan ka nila! Lahat sila? Keep dreaming!" Buh. In-english ako ni ateng waitress!
"Why don't you ask them?" I challenged her. I am so enjoying this.
"Uhm, Sir." with matching malandi smile at lagay ng buhok sa likod ng tenga niya. "Kaano-ano niyo po ba siya?" Hindi man lang niya ako tinignan at tinuro lamang ako.
"Ah.. Siya?" Tumango ang babae. Tumingin sa'kin si Heron ng may pagtataka. Ngumisi naman 'yung babae.
"Siya ang babaeng mahal namin, ang babaeng napupusuan namin, iniirog namin, na kasalukuyang nililigawan namin." Napanganga naman si ate.
"O-Oh.." Oh ano? Tahimik ka ano? "I told you." Umirap nalamang ito sa'kin. Hahaha. Insecure bitches be insecure.
Matapos naming maka-order ay shumupi na si ateng waitress.
"Hayy nako Drianna. Hindi ka parin nagbabago. Ang hilig mo parin makipag-sagutan." iling-iling na sinabi ni Nathan sa'kin.
"Huh? Hindi nagbabago? Bakit?" Mukhang walang kaalam-alam si Andrew kasi 'di ko naman siya kababata.
Tumawa nalang kaming lima. "Andrew, ganito kasi 'yon. Magkakababata kaming lima, kaya alam namin ang ugali ng isa't isa. Gets?"
"Ahh gets.." Medyo nag-isip muna si Andrew pagkatapos ay nagsalita ulit. "Ang daya naman! Lahat kayo kilala na siya! Ako hindi!"
"Hahaha! Wala, ganun talaga. " Dagdag pa ni Mikee.
Nagkulitan lang kami hanggang sa dumating na ang pagkain namin. "Mmm!" May pa-pikit mata pang nalalaman 'tong si Code. Natawa nalang ako. Halos wala talaga silang pinagbago. Makukulit parin.
"Kainan na!" Mikee exclaimed. "Pssht! Umayos ka nga! Nasa Shakeys tayo ganyan ka umasta?!" Medyo pabulong na sinita ni Nathan si Mikee. Napakamot naman si Mikee ng ulo.
"Eh.. Sorry naman." I giggled. Katuwa talaga 'tong mga 'to!
Matapos naming kumain ay naglakad-lakad kami. May nadaanan kaming some sort of souveneir shop kaya naisipan nilang bumili.
May mga necklace, bracelet, earrings, at kung anu-ano pa. "Oh!" Itinapat ni Andrew sa'kin ang isang kwintas na may susi at pagkatapos ay meron naman siyang necklace na may padlock. Namula naman ako.
"T-Thank you.." Bulong ko pero sapat na para marinig niya. "Yun lang?" Parang disappointed siya na ewan.
"Huh?"
"Yun lang? Thank you? Wala ba 'kong kiss diyan?" Parang bata siya kung magmaktol.
"Baliw! Kiss mo yung pader!" Utas ko.
chu~
"Oh ayan na! Sa cheeks lang! WAG KA NG MAGREKLAMO!" Hindi ko magawang tumingin sa kanya, pero, ramdam kong nakangiti siya ngayon.
Bakit ko ba kasi 'yun ginawa? TT^TT
***
YOU ARE READING
The Fate That Connected Us {Discontinued :>}
Teen FictionTHE FATE THAT CONNECTED US. [Former: Perfect Royalties] (c) Yuragi. Announcement: { D I S C O N T I N U E D } Di na maitutuloy pa kailanman. Unless naisipan kong irevise. Kaso hindi eh. HAHA. NEW STUFF: New wattpad acc: http://www.wattpad.com/u...
