Band-aid

52 2 2
                                    


Like sign.

Dito nagsimula ang lahat. Alalang-alala ko nun, before exam yun. Hawak hawak ng boy bestfriend ko na si Josh ang cellphone ko at pinakialaman nya ang messenger ko. Hanggang sa tinanong nya saakin kung sino ka. Andun ka kasi at ang nakalagay,

'You and Denyel are now connected in Messenger.'

Kaya ang sabi ko, kaka-add ko lang. Di ko naman alam na nagsend na pala ng likesign tong si Josh sayo.

Maya maya pa ay nag-message saakin yung pinsan mo, yung braddy ko. Si Pao. Sabi nya,

"Naks braddy! Like pa kay Denyel!"

Nagtaka naman ako. Anong pinagsasabi nun?

Nung nakauwi na ako sa bahay, chineck ko ang messenger ko at laking gulat ko nang may message galing sayo. Isang smiley.

Kaya naman tinignan ko yung convo at nakita kong may like sign nga. Pesteng Josh!

Agad naman akong nag sorry at sinabing si Josh ang nagsend nun.

Narecieve ko ang reply mo kinabukasan. Sabi mo, okay lang. Ginoodluck na rin kita kasi exam na nun. Grade 12 ka at Grade 10 naman ako.

Lumipas pa ang ilang araw at lagi na tayong magkachat. Halos araw araw ka nag go-goodmorning, gabi gabi mo akong iniinform sa mga nangyari sa araw mo. Nalaman ko na iniwan ka ng gf mo basta basta 3 weeks ako. Minura ka pa nga nya sa convo nyo dahil daw may nahanap ka na kaagad. Wow, sya pa ang may ganang maghabol eh sya naman yung nang-iwan.

Binantaan din ako ng ex mo sa convo niyo na bantayan mo raw ako, kasi baka di na ako makauwi sa bahay namin. Natakot ako nun, syempre. Pero sabi mo, proprotektahan mo ako. Pinanghawakan ko yun at hindi mo naman ako binigo.

Sinasabayan mo na akong kumain tuwing lunch, hinahatid mo pa ako sa sakayan namin tuwing uwian. Unti-unti na akong nahuhulog sayo, sana pati ikaw.

Isang gabi habang magka-chat tayo, tinanong mo ako kung gusto na ba kita. Kaya no choice na ako kundi umamin. Sabi ko, "oo."

Ibinalik ko sayo yung tanong at sobrang kilig naman ang naramdaman ko nang sinabi mong, "oo rin."

Pagkatapos nun, mas naging sweet ka. Super duper. Nalaman nina Papa at tanggap ka nila. Sa halos lahat ng nagkakagusto saakin, isa ka palang sa mga piling lalaki na tanggap nila. Ang saya saya ko nun kasi feeling ko, "legal" na tayo kahit wala pang tayo.

Dumating yung araw ng APPS meet, parang PRISAA yun kaso nga lang, Diocesan Schools. SSC Officer ako at kailangan kong pumasok kahit na masama yung pakiramdam ko. Nilagnat ako nung mga bandang lunch na. Nahiga ako sa SSC room at laking gulat ko nang magpunta ka doon. Bumili ka pa ng gamot at tubig. Hinawakan mo ang mga kamay ko na para bang ayaw mo nang bumitaw.

Umalis ka saglit para kumain. Tapos may inutos pa sayo yung papa mo kaya ka natagalan. Pagbalik mo, hinawakan mo ulit yung kamay ko. Tinabihan mo pa ako sa paghiga. Ang sweet mo nun. Pero diko inaakalang yun na pala yung huling araw natin.

Kinabukasan, September 21, 2017

Nagising ako sa message mo na kung minessage ba ako ng ex mo. Tinignan ko naman yung message requests at nakita ko doon ang pangalan nya. Ang message nya? Screenshot ng convo natin which is may nasabi ako sakanya. At first, nagtaka ako. Paano nya nalaman yun? Alam pa rin ba nya yung account mo? Pero sabi mo, nagpalit ka na ng password. Naguguluhan ako.

Nagexplain ako sakanya ng maayos at nagsorry. Nagsorry din sya dahil sa pagmumura nya saakin. Pero after nun, nagmakaawa sya saakin na palayain na kita, na ibigay na kita sakanya. Pero hindi ako pumayag. Pinaglaban kita.

After nun, nagchat pa tayo. Ang saya saya pa natin. Pero nung hapon, mga bandang 4, nag-message saakin si Josh. Nung una, ayaw nya pang sabihin, pero pinilit ko sya. Ang sabi nya?

" Nakita ko si Kuya Denyel. Kasama yung ex nya sa may sports complex. Magkasama silang naglalakad tapos nagmeryenda pa ng fishball."

After nyang sabihin yun, nanlamig ako. Hindi, hindi yun totoo. Ayaw kong maniwala. Hindi mo magagawa yun.

Hanggang sa nag-message na rin saakin yung isa ko pang kaibigan na si Yuwan. Sabi nya, nakita nya rin daw. Nagsend pa sya ng picture. At naluha ako. Ikaw nga yun.

Ka-chat ko pa rin si Josh at pinapunta ko na sya kaagad sa bahay. Diko na kaya. Ang sakit sakit.

Agad naman syang nagpunta at pagdating nya, napaluha ako kaagad. Bakit ko kailangan maranasan to?

Habang kino-comfort nya ako ay nagmessage yung ex mo. Ang sakit. Minessage nya ako para sabihin na kayo na ulit. Tangina, itinaon mo pa talaga na may lagnat ako ha?

Sumunod naman yung ibang SSC officers sa bahay na nakakita rin sainyo. Galit na galit sila sayo lalo na yung bestfriend ko na si Eah at Josh.

At ang masaklap pa, nakita rin kayo ng kapatid ko. Nagpatay-malisya ka pa. Sht.

Huwag kang mag-alala, magiging okay din ako. Hintayin mo lang. Itong babaeng ginawa mong  band-aid nung mga panahong nasasaktan ka? Makaka-move on din to.

~michji

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Band-aidWhere stories live. Discover now