PROLOGUE

61 9 3
                                    


Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay ulit. Never. Never ever kong pipiliin ang buhay kong 'to. As in never again! Jusko! Sa tinagal tagal na naming magkaibigan, ganito nalang lagi.

 Ilang beses akong lumingon sa paligid namin para maghanap ng mauupuan. Gutom na gutom na ako pero itong damuho na kasama ko na nasa unahan ay parang nasa prosisyon kung maglakad.

"Bilisan mo nga! Itutulak kita!" Singhal ko dahil sa bagal niya maglakad. "Saglit lang. Matatapon 'yung soft drinks!" sagot niya sakin habang binilisan naman ang lakad niya. Pinaypayan ko naman ang sarili ko, dahil di ko kinakaya ang init at pawis na pawis na ako.

"Two o'clock, maputing girl with bob cut hair. Wearing red sleeveless and white short shorts." Mahinang bulong ko sa kanya, pagka-upo namin habang dala ang tray ng mga pagkain. Eversince, ganito nalang lagi ang trabaho ko, ang maghanap ng babae para sa kanya.

Agad naman sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi at unti- unti naman siyang lumingon upang silipin 'yung babaeng tinutukoy ko. "Wala naman e." sabi niya ng may pagkadismaya sa kanyang boses.

"Tanga! Sa kabila kasi! Mali 'yung tinignan mo! Akin na nga pagkain ko!" Agad kong kinuha 'yung plato, bahala siya diyan mabali leeg niya kakalingon, kapag ganitong gutom pa naman ako, wala akong oras makipagusap sa mga katulad niyang bobo.

"Panget. Pango. Ayusin mo naman maghanap! Tingin mo ba papasa sa panlasa ko 'yun?" Tignan mo nga naman, walang utang na loob, imbis na magpasalamat. Uhh "Sir, ang lagay, gwapo ka ba? Yan tayo e. Makalait ka, kala mo naman may karapatan ka. Magpasalamat ka nalang oy!"

"E sa hindi ko trip e!" Maktol niya. Sinilip ko naman ulit si Ate girl na naka-red "She's cute naman kaya! Compliment naman sa facial feature niya 'yung ilong niya, and hindi pango 'yun! Maliit lang!" sabi ko habang nakatitig kay Ate. "Ang mean mo!" habol kong sabi sa kanya.

Lumingon siya ulit sa direksyon na tinitignan ko "Mas maganda mga mata mo. Mas matangos ilong mo. Tsaka ayoko sa lips niya. Ang laki! Baka mahigop niya ako!" OA niyang sabi habang lumingon siya sakin na naka-pout.

"Haha Siraulo! Ayaw mo nun? Kissable lips" Sabi ko ng natatawa pa rin. Kung sa araw araw ba naman na bigay ng Diyos, ganitong mukha ang makakaharap mo, ay ewan ko nalang.

Yumuko ako para sumubo ng kanin, dahil kanina pa akong gutom.

"Hoy!" tawag niya.

"An-?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang panyo na ipinunas sa mukha ko. "Basa ka ng pawis. Tsaka ayusin mo nga 'yang pagkain mo. Ang dungis mo."

"Ayusin mo sarili mo. Paano ka magugustuhan ng mga lalaki, kung ganyan ka." Sabi niya habang bumalik sa pagkain niya.

"Wala ka namang nirereto sa'kin! Paano may magkakagusto." Maktol ko. Yun ang usapan namin, ako ang maghahanap ng babae niya sabay siya ang maghahanap ng para sa'kin.

"E wala akong makitang babagay sa'yo e. They are not enough for you. Isa pa, wala talaga e." sabay subo at nguya sa harap sa ko.

"You know what, you don't need men in your life. Nandito naman ako. Kaya hindi mo na kailangan ng boyfriend."

"Edi ikaw nalang." Biro ko, kasi naman ako nakakarami na ng tinuturo sa kanya, sabay siya ni-isa sa apat na taon naming magkaibigan, wala siyang naituro.

"Asa! You missed your chance Missy." Sabi niya sabay ngiti.

Yep. You heard it.

Once upon a time, nagkaroon kami ng Malabong Usapan, but things got messy and complicated, that's why we ended up as friends. People around us, they don't know our history. Akala nila, magkaibigan na kami ng matagal na. But the good thing about us is, walang awkwardness. Walang feeling of indifference. Cool lang. Chill friends. 

And that's how I blew things between us. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His WingWoman (HWW)Where stories live. Discover now