|| Wolf 03 ||

160 17 11
                                    

|| Wolf 03 ||: Them 12

WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.

W - CHANIELLE

Teka, ano daw ulit? Chanyeol? Hindi ba... pangalan 'yun ng lalaking naka-assign sa akin? Hindi kaya..."Uy Ney, okay ka lang?"tanong sa akin ni Paige."A, oo. May pumasok lang sa isip ko."nakangiting sinabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at ibinaling ulit ang atensiyon sa pakikipag-usap kina Annika.

"Teka lang!"sigaw nung Chanyeol na pinaghi-hinalaan kong baka naka-assign sa akin. Sa tingin ko, napansin niyang nakatitig ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin. Panandaliang naging kulay asul ang mga mata niya. 'Blue-eyed wolf din siya?' sa isip-isip ko. Agad niya ding inalis ang tingin niya sa akin at umalis na.

"O, titig na titig ka yata doon sa lalaki kanina a. Type mo?"sabi sa akin ni Loreine."Ha? Ano ka ba, hindi 'no."ngumiti lang siya sa akin. Posible kayang siya 'yung naka-assign sa akin? Kung oo man, sana madali lang ang proseso para mahulog siya sa akin. At dapat hindi ako mahulog... kahit papaano, may dugong mortal pa din ako. At... may posibilidad na ikamatay ko ang paghulog ko sa kaniya. 'Yan ang nakalap kong impormasiyon kagabi, tungkol sa mga imortal at mortal.

*

W - CHANYEOL

"O, ba't ngayon ka lang?"sabi sa akin ni Suho-hyung. Ang  pinakamayaman sa amin na pinagkaitan sa tangkad."Tch. May nakatitig sa aking babae kanina."sinabi ko sa kaniya."O talaga? Maniwala kami sa iyo?"pagbi-biro ni Chen. Ang lalaking kalahating Camel, kalahating Dinosaur."Oo nga, manahimik ka na lang kung ayaw mong maniwala."walang-ganang sinabi ko sa kaniya at isinalampak ang katawan ko sa sofa.

"A, 'yung babae ba kanina? Sigurado ka ba diyan, Hyung? Baka ako ang tinititigan nun a."sabi ni Kai, ang maitim na nilalang."Doon ka na nga lang kay D.O. Mas maayos pa kamo 'pag wala ka dito."sinabi ko sa kaniya."Aray naman Hyung, ang sama mo sa akin. Hindi porque--"

"Oo na, alam ko. Hindi porque maitim ka, gaganunin na kita."pagsi-singit ko sa sasabihin niya."Aba a, namumuro ka na sa akin Hyung! Ang sasabihin ko dapat, hindi porque pangit ka at gwapo ako, gaganunin mo na ako!"sabi ni Kai."Psh. Bahala ka nga diyan. Doon ka na sa D.O mo."pagtu-tulak ko naman sa kaniya.

"Teka nga, ba't ka naman tititigan ng babaeng 'yun?"sabi ni Tao, ang nilalang na may pagkalaki-laking eyebags."Malay ko doon sa babaeng 'yun. Ang lagkit ng tingin sa akin, para akong kakainin ng buhay."sabi ko kay Tao."Naku a, naba-baliw na thiguro 'yung babaeng 'yun. Tha dinami-rami ba naman ng lalaki tha mundo, ikaw pa ang tinitigan."sabi ni Sehun, ang pinakabata sa amin. Pero dahil advanced siya, ayun, kaklase namin ang bulol.

"Geez. She must have poor eyesight."sabi ni Baba-- este ni Kris, ang englisherong Mangga na may kumikinang na gilagid."You!"sigaw ni Chen kay Ba-- Kris."Now what, peasant?"masungit na sinabi ni Bab-- Kris kay Chen."Ha? A... w-wala."sabi ni Chen sa kaniya at plastik na tumawa."Sheesh. Peasant."pang-iinsulto ni Baba--- ni Kris kay Chen."You! You are-- y-you are overflowing already! S-Stop english speaking!"sigaw ni Chen sa kaniya.

"Will you just please stop speaking?! Geez. I'll just talk to Tao instead."sabi ni Mangga at nagwalk-out."Naku a, namumuro na sa akin 'yung babang 'yun!"sigaw ni Chen nang maka-alis na si Kris."Oo nga pala, sa tingin niyo ba... magiging ganap na tao na tayo ngayong taon na 'to?"biglang singit ni Suho.

"Hindi kami kamag-anak ni Madam Auring, Tanda. Kaya imbis na sa amin ka magtanong, doon ka sa manghuhula."sabi ni Chen sa kaniya."Kim Jong Dae! Manahimik ka."tinitigan ni Suho si Chen ng napakasama. Hanggang sa nagkulay-asul ang mga mata niya."O! O! Chill na nga lang kayo! Baka magkariot pa dito sa loob ng dorm ni Suho."pagpi-pigil ko sa kanilang dalawa."Hanep din ang mood swings mo ano, Chanyeol?"sabi ni Baekhyun na naglalagay na naman ulit ng... eyeliner.

Hindi  siya bakla o ano, pero nakasanayan niya na din ang paglalagay nun. Ewan ko ba diyan sa nilalang na 'yan."Pero sabagay, tama din 'yung sinabi ni Suho, kung magiging tao na ba talaga tayo ngayong taong 'to."sabi ni Xiumin-hyung na kasalukuyang kumakain na naman."Oo nga, ilang taon na din tayo dito, wala pa ding nangyayari."biglang pumasok si D.O sa loob ng dorm ni Suho-hyung kasama si Kai.

"Sayang nga 'yung mga chicks na babae noon. Tsk, namatay dahil nahulog sa atin."natatawang sinabi ni Kai. Oo, madami ng mga babae ang sinubukan kaming gawing ganap na tao, pero ni isa sa kanila, hindi nagtagumpay. Bakit? Kasi nahulog sila sa amin, at namatay sila ng tuluyan

Ilang beses din kaming nagmahal, ilang beses din kaming nasaktan dahil lahat ng babaeng nakakapagpahulog sa amin ay nawawala na lang ng basta-basta."Sana nga, ngayong taon na 'to, mangyari na ang gusto nating mangyari."sinabi ni Luhan.

"A... Alam niyo, 'wag niyo na muna kamong isipin 'yang mga 'yan. Hindi pa naman natin kilala kung sino ang susubok na gawin tayong ganap na tao ngayon 'di ba? Kaya sa ngayon, ipagsawalang-bahala na muna natin 'yang bagay na 'yan."sinabi ni Lay."Maraming buhay din ang nasasayang dahil lang sa atin, para lang gawin tayong ganap na tao."nalulungkot na dagdag ni Lay.

"Ang drama nin'yo. Tapos na ba kayo?"sabi ni Chen."'Ge, lalabas na muna ako."sinabi ko na lang at lumabas na ng dorm ni Suho para magpahangin saglit.

*

W - CHANIELLE

Naglalakad ako sa lobby ng Wolves University nang may makabungguan ako."S-Sorry."sabi ko. Napa-upo kasi kami pareho sa sahig. Inilahad ko naman ang kamay ko sa kaniya para matulungan siya, pero sa halip na kuhanin niya 'yun, tumayo siya mag-isa at naglakad papalayo."Wow ha! Thank you dahil hindi ka man lang nagsorry!"pasigaw kong sinabi sa kaniya. Napatigil naman siya sa paglalakad,"You're welcome."at saka niya itinuloy ang paglalakad.

ASDFGHJKL! Pigilan nin'yo ako, baka mamaya mapatay ko siya ng wala sa oras! Kung sino man 'yun, humanda siya sa akin! Ikaw ba naman kasing banggain, tapos hindi pa magso-sorry sa iyo?! Ako nga, nagsorry na nga ako sa kaniya e. Tapos wala man lang ding 'sorry' in return?!

Kaysa naman sa magmukha akong tanga dito na nakabusangot, pumunta na lang ako sa dorm ni Paige."O, napadalaw ka?"sabi niya sa akin habang busy sa laptop niya."Err... bad mood ako ngayon."na-iiritang sinabi ko sa kaniya."Bakit na naman?"tanong niya sa akin."May nakabungguan ako kanina. Pareho kaming napasalampak sa sahig, tapos inabutan ko siya ng kamay ko  para tulungan ko siya. Kaso ugh!"halos hindi ko na ma-ituloy ang pagpapaliwag ko dahil sa inis na inis talaga ako.

"Tapos ano?"sabi niya at isinarado ang kaniyang laptop."Naglakad lang siya papalayo. Take note, nagsorry pa ako nun. Tapos wala man lang ding 'sorry' in return?!"halos sabunutan ko na ang sarili ko habang nagsa-salita ako dahil sa sobrang nakakastress talaga 'yung lalaking 'yun.

"O, kilala mo ba kung sino?"tanong ulit sa akin ni Paige."Hindi ko namukhaan. Nakahoodie siya na akala mo naman may nangyaring karumal-dumal sa mukha niya. Pero parang kapre 'yung isang 'yun, tapos malaki ang--"natigilan ako ng saglit.

"Ano ba, ang byuntae mo masiyado Chaney!"sigaw ni Paige sa akin. Tinignan ko naman siya ng napakasama."Gaga ka ba?! Malaki ang--- ang tainga!"sigaw ko sa kaniya. Teka, malaki ang tainga? Hindi kaya... siya 'yung Chanyeol?

"Hoy, natahimik ka diyan?"nabalik ako sa mundo matapos kong maglakbay sa Galaxy nang magsalita si Paige."Wala lang. 'Ge, doon na ako sa dorm ko."pagpa-paalam ko at umalis na ng dorm ni Paige. Seryoso, 'yung totoo? Pinagtatagpo kami ng tadhana nung malaking taingang 'yun? Pwe, tadhana daw. Ang corny mo na talaga Chanielle, maghunos-dili ka.

WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.WU.

Mistress Azul's note:

Alam kong short, kaya pagpasensiyahan na lang ulit. Nasakit na naman ang ulo ko kaya ayan lang po ang nakayanan ko. Anyway, attendance is a must, okay?

Wolves UniversityWhere stories live. Discover now